Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

UMENTO SA SAHOD, DAPAT ILABAN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sa matagal na panahon, hindi tinatamasa ng kalakhan ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng disenteng pamumuhay. Sa kabila ng pagtaas ng kita ng malalaking mga kompanya ay nananatiling maliit naman ang kita ng mga Pilipino. Siguro panahon na upang ang lahat ay manawagan na tugunan ng pamahalaan ang matagal ng problema ni Juan dela Cruz.

P6000 sa Gobyerno, P125 sa Pribado

Sa Senado, nagpanukala si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ng isang panukalang batas na magtataas ng P6000 saminimum pay ng lahat ng empleyado ng gobyerno, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations.

Sa ilalim ng Senate Bill 2928,  ang mga minimum wage earners sa lahat ng National Government Agencies, GOCCs, government financial institutions, State Universities and Colleges, Local Government Units at iba pang ahensya ng gobyerno ay makatatanggap ng P6,000 umento sa sahod.

Sa ilalim ng panukala ay hindi dapat maapektuhan ang allowances at benepisyong tinatamasa ng isang empleyado.

Ayon kay Revilla, sa kasalukuyan, ang isang government employee na minimum earner ay tumatanggap lamang ng P6, 861 sa isang buwan na napakalayo sa estimated cost of living allowance per month na P28, 710 kada buwan.

Sa kabila ng full implementation ng Salary Standardization Law 3 sa 2012, aabot lamang sa P9,000 ang suweldo ng isang kawani. Masmalala pa raw ang nangyayari sa mga local government units  dahil masmababa ang tinatanggap nilang sahod dahil sa nangyayaring policy of wage regionalization.

Sinabi rin ni Revilla na ipinapakita lamang ng kasalukuyang pasahod sa mga minimu wage earner ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa sa pampublikong sektor.

Habang tumatamasa ang mga executives at top officials ng gobyerno ng iba’t ibang bonus at privileges, patuloy namang nakalugmok sa kahirapan ang mga kawani ng gobyerno na tuwirang umaalalay sa mamamayan.

Matagal na namang inilalaban ng mga nasa progressive bloc ng Kamara ang pagkakaroon ng P125 across-the-board nationwide sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Kinabibilangan ng mga representante ng Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teacher, Gabriela at Kabataan ang progressive bloc.

Tinagurian ang pankukalang batas na Beltran Bill bilang pagkilala sa yumaong mambabatas na si Rep. Crispin Beltran ng Anakpawis. Si Beltran ang unang nagpanukala ng batas noon pan g 2001 subalit hanggang ngakyon ay hindi pa ito naisasabatas.

Binanggit ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtutol sa isang legislated wage increase dahil ang mga regionalwage board lamang ang may kakayahan nito.

Suportado ng mga Manggagawa

Buung-buo ang suportang ibinato ng Confederation for Unity, Advancement and Recognition of Government Emploees (COURAGE) sa nasabing panukalang batas ni Senador Revilla.

Matagal nang panawagan ng mga kawani ng gobyerno ang pagtataas sa sahod. Tanging mga progresibong mambabatas lamang sa mababang kapulungan ng Kongreso ang sumusuporta sa kanila. Malaking pag-igpaw ang pagkakaroon ng suporta sa Senado sa laban ng mga mangangawa ng pampublikong sektor.

Ilang mga pagkilos na rin ang isinagawa ng COURAGE para manawagan sa dagdag na umento. Ang COURAGE ay ang pinakamalawak na alyansa ng mga unyon ng kawani. Ang mga kawani sa Pamahalaang Panlungsod ng Calamba at Calamba Water District ay pawing mga kabahagi ng COURAGE.

Ayon kay COURAGE National President Ferdinand Gaite, sa kabila ng pangako para sa pagbabago at good governance, wala pa ring nagagawang hakbang ang Administrasyon ni Noynoy Aquino upang pagandahin ang kalagayan ng mga empleyado at manggagawa sa buong bansa.

Patuloy ang maliit na pasahod at pangamba sa lay-off at displacement samantalang mabilis naman ang pagtaas ng mga pangunahing komditi sa pamilihan at maging ang serbisyo. Wala pang naririnig na good news ang mga empleyado mula nang maupo si Aquino sa Malacañang kundi puro bad news pa lamang, dagdag ni Gaite.

Sinusuportahan rin ng mga kawani ng gobyerno ang P125 across-the-board legislated wage hike ng mga mangagawa sa pribadong sektor. Nitong Hunyo lamang ay pumirma si Saranggani Representative at pound-por-pound boxing champion Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang co-author sa panukalang umento sa sahod ng Anakpawis Partylist.

Tinatayang 1.4 milyong kawani ng gobyerno ang makikinabang kung maipapasa ang panukala bilang batas.

Tinatakot ng mga kapitalista at burukrata ang mga manggagawa na mawawalan sila ng trabaho kung sakaling mapatupad ang mga panukala sa pagpapataas ng sahod. Ilan pa sa sinasabing maaaring maging epekto raw ay ang pagtataas ng mga bilihin at pagbaba ng supply sa komoditi.

Lumalabas sa mga pag-aaral na maaaring magkaroon ng umento sa sahod kung papaya rin ang mga kapitalista na mabawasan ang kanilang tubo. Sa kabilang banda, hindi rin naman kaaya-ayang sabihin ng gobyerno na wala silang pondo samantalang namumuhay sa karangyaan an gang mga kurap na mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Gaite na hindi sila nanglilimos kundi ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan na mamuhay ng disente.---Matt Palentinos

125-campaign 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

Last Updated on Friday, 26 August 2011 05:11

Add comment


Security code
Refresh