| Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang tubong Biñan na si Joseph Erwin Valerio aka “Joseph the Artist” matapos mag-uwi ito ng tatlong gintong medalya sa katatapos lamang na World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles, California. Ipinakita ni Joseph the Artist ang galling niya sa sand art sa loob lamang ng animnapung Segundo. Kinuha niya ang gintong medalya sa tatlong kategorya ng Male Variety Act (25-29 y/o). Naunang kinilala ang galling ni Joseph the Artist sa programang Talentadong Pinoy sa TV5 nang tanghaling itong Ultimate Talentado ng kanilang Season 2. |
Kasama sa nagbigay parangal kay Joseph the Artist ang Office of the Governor, Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Kabataan at Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Friday, 26 August 2011 04:54