| Sa panukalang batas na inihain ni Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica, planong itaas sa 70 taong gulang ang mandatory retirement age sa mga senior citizen na naglilingkod sa gobyerno. Sinasabi sa explanatory note ng panukalang batas na magbebenepisyo ang lipunan sa karanasan na maaaring idulot ng mga matatandang public servants. Hinahayaan rin ng batas na makapagtrabaho pa ang mga senior citizens natin kung sakaling nais pa nilang magtrabaho. |
Makakatulong rin ang panukalang batas sa paghahanda ng makukuhang benepisyo ng mga magre-retire na kawani ng gobyerno na nasa ilalim ng GSIS Act of 1997. Animnapu’t limang taon ang kasalukuyang mandatory retirement age. Sa panukalang batas, dapat nakapaglingkod ng mahigit 15 taon ang isang empleyado para matamasa ang benepisyo.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Friday, 26 August 2011 04:47