Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Ang "Daang Matuwid" Patungong SM

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Sa mga taong nakalipas, patuloy ang pag-usbong  ng pagbabago sa lungsod ng Calamba hinggil sa usaping pang-ekonomiya at urbanisasyon. Kung kaya’t maliban sa taglay na yamang kultural at kasaysayan ng  nasabing lungsod, ito ay kilala din bilang isa sa mga sentrong  pang-ekonomiya sa probinsya ng Laguna. Malaking porsyento ng kita ng lungsod ay buhat sa mga industriyal na planta. Maliban dito, mapapansin din ang pagdami ng mga komersyal na establisyemento sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Bilang halimbawa nito, ay ang pagbibigay pahintulot ng lokal na pamahalaan sa SM Prime Holdings na   magtayo  ng shopping mall sa Crossing na kung saan ang naturang  shopping mall ay itinayo sa itinuturing na sentro ng komersiyo at pangangalakal ng siyudad o “central business district” na tinatawag. Dito nagtatagpo ang malakas na daloy ng mga tao at mga sasakyan na nagmumula sa iba’t ibang parte ng lungsod at maging sa mga kalapit na probinsya. Hindi maitatanggi na ang kaakibat nito ay ang suliranin sa trapiko na pagkaminsa’y nagiging dahilan din ng mga sakunang panlansangan. Isa sa mga kasagutan na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan para sa maiwasan ang ganitong mga suliranin ay ang tinatawag na “re-routing” at ang pagbubukas ng mga alternatibong daanan para sa mga sasakyan  upang maibsan ang problema sa trapiko at gayundin ang pagpapatayo ng mga imprastuktura tulad ng overpass para sa mga pedestrians.

Nito nga lamang na taon, pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Calamba sa pamumuno ni Hon. Joaquin Chipeco  at ni Rep. Justin Chipeco sa pakikipag-ugnayan ng Department of Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng footbridge sa Crossing. Ang nasabing footbridge ay bumabaybay sa kahabaan ng National Road na nagmumula sa SM Department store patungo sa interseksyon ng Crossing. Ayon sa tanggapan ng City Engineering ng lokal na pamahalaan ng Calamba, ang nasabing proyekto ay pinondohan ng SM Prime Holdings Inc. na kung saan ito rin ang kumpanyang  namamahala ng sikat na shopping mall. At nito nga lamang ika-15 ng Agosto pinasinayaan ang pagbubukas ng footbridge na kung saan maaari ng baybayin ang daan patungong SM mula Veterans Bank. Dagdag pa ng City Engineering’s Office, ito ay ang Phase 1 pa lamang ng nasabing overpass kung saan ito pa lamang ang maaaring magamit sapagkat hindi pa tapos ang kabuuan ng proyekto. Kapag natapos na ang proyekto, mariing ipapatupad ang “No Jaywalking” na polisiya sa nasabing lugar, ayon pa sa tanggapan.

Kung ating susuriin base sa malawakang perspektibo ang implikasyon ng pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng overpass, tulay at mga daan sa lipunan, masasabing ito ay may kahalagahan upang maipaabot ng pamahalaan sa mga mamamayan ang mga serbisyong panlipunan at pang ekonomiya. Ang mga imprastrakturang kagaya nito ay isa lamang sa mga indikasyon kung saan nilalagak ng pamahalaan ang buwis na nagmumula sa mga mamamayan. Bagama’t Sa kaso ng overpass sa Crossing na kung saan ito’y pinondohan ng isang pribadong institusyon, maaaring ituring ito na biyaya para sa lokal na pamahalaan ng Calamba sapagakat hindi naman labag sa batas ang ganitong uri ng ugnayan sa pagitan ng isang pribadong institusyon at ng pamhalaan. Ngunit kaalinsabay nito ang responsibilidad  mula sa lokal na pamahalaan na ipaalam sa mga nasasakupan nito ang kabuuang impormasyon ng nasabing proyekto at ugnayan o ang “transparency” na tinatawag.

Sa kalaunan, sino nga ba ang siyang tunay na makikinabang sa proyektong ito? Ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at SM na kung saan ang nasabing footbridge ang siyang nagsisilbing “token of appreciation” mula sa nasabing kumpanya. Ito nga ba ay para sa nakararami? Kung ating tatanungin ang mga mamamayan ukol sa kahalagahan at epekto ng imprastrakturang ito, marahil ito’y epektibo para sa kanyang pansariling kaligtasan. Kung saan, isinasaad nila na mayroong positibong maidudulot ang nasabing overpass para sa mga gagamit nito. Positibo rin ang magiging epekto ng overpass para sa mga gumagamit ng sasakyan tulad ng mga driver sapagkat ayon sa kanila, mababawasan na ang mga taong tatawid sa lansangan na siya rin minsang pinag-uugatan ng trapiko sa nasabing lugar. Samantala, iba naman ang pananaw ng mga karatig na establisyemento sa lugar, para sa kanila ito ay maituturing na “market strategy” ng shopping mall upang maidirekta sa kanila ang daloy ng mga mamimili.

Iba’t iba man ang pananaw mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ukol sa proyektong ito, hindi pa rin dapat ipag walang bahala ang puno’t dulo ng usaping ito. Lahat ng bagay ay magkakaugnay ‘ika nga, kung kaya’t bawat isa ay may responsibilidad na matyagan ang mga pangyayari sa lipunan at sa huli, ay makiisa kung nais panatilihin ang kaayusan o magkaroon ng pagbabago para sa lipunan.---Maia Candano

foot-bridge tarp-footbride



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Monday, 05 September 2011 06:44

Comments  

 
0#1astig_252011-09-05 13:58
This project is practical and useful, however the real and IRRITATING problem still exists >>> TRAFFIC, TRAFFIC, TRAFFIC... taking almost 40 mins just to pass-by REAL-CROSSING road??? A good way to waste time, gas and energy of the public...
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh