Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALABARZON NEWS: Hit & Run sa Laguna, Land Valuation at Tree-Planting sa Batangas

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

3 TAONG BATA NABUNDOL NG TRICYCLE, DRIVER TUMAKAS

STA. ROSA CITY, LAGUNA-----GINAGAMOT ngayon sa Sta. Rosa City Community Hospital ang isang 3 taong gulang na batang babae, matapos na mabundol ito ng trysicle sa lugar ng Tatlong Hari Road,  Barangay Market Area, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ni Police Supt. Ismael Fernandez, Hepe ng Sta. Rosa City Police Stationang biktima na si ;Jasmin Basher y Amatoding, residente ng Block 1, Lot 6, Ciudad Grande Subdivision,  Barangay Market Area,ng nasabing lunsod.

Ang driver naman ng trysicle ay si Tiburcio Ricafranca y Profugo, nakatira sa Block 1 Lot 10 Phase 1,  Bay Shore Village, Barangay Sinalhan, Lunsod na nabanggit.  Sa imbestigasyon isinagawa ni PO2 Benjamin Corton,  nabatid na dakong ika- 11:30 ng gabi,  naganap ang nasabing insidente, habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar.  Dinala muna ng driver ang bata sa hospital at magkasama pang nagtungo sa presinto ang tiyuhin ng biktima na si Norman Amatoding at si Ricafranca upang ipa-blotter ang pangyayari.

Subalit matapos na maipa-blotter ang nasabing pangyayari ay hindi na nagpakita pa ang driver ng trysicle sa pamilya ng naaksidente nito, kaya pinaghahanap na ito ng pulisya sa nasabing lugar. (Arlene P. Mariposque)


 

PAGPAPATAAS NG HALAGA NG LUPA SA CALACA, BATANGAS ISINUSULONG

Lipa City, Batangas--- Nagsagawa ng isang pagpupulong ang mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform (DAR)- Batangas at mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan upang talakayin ang mga legal na paraan upang mapataas ang presyo ng lupa.

Ito ay dinaluhan nina Provincial Agrarian Officer (PARO) Felix Kagahastian at ng mga opisyal ng BSP sa pangunguna ni Director Gweraldine Alag ng Asset Management at Agusto Lopez- Dee ng Monetary Operations.

Layon nitong mabigyang  linaw ang land valuation na isinagawa ng Land Bank of the Philippines kaugnay ng mga parsela ng lupa sa Lumbang, Calaca, Batangas na aniya’y masyadong mababa at nagdudulot ng kalugihan sa gobyerno.

Kinakailangang maghain ang BSP ng Notice of Rejectment sa DAR at matapos nito ay magfile ang DAR sa Adjudication Board ng Notice of Summary Proceedings. Kapag dininig na ang kaso at kumbinsido ang DAR-AB saka pa lamang ipapatawag ang LBP para sa pagbabago ng valuation, pahayag ni Kagahastian.

Samantala, nakahanda naman ang BSP na makipagtulungan sa DAR at inihanda na nila ang mga papeles na magpapatunay na talagang kailangang tumaas ang valuation ng lupa.----MJ Pedraja


 

TREE-PLANTING ACTIVITY ISINAGAWA SA BATANGAS

Batangas City---Bilang bahagi ng outreach program, nagtanim ng may 230 punong kahoy sa loob ng Malampaya On Shore-Gas Plant ang Multi-Partite Monitoring Team (MMT) ng nasabing planta.

Sa unang pagkakataon ay isinagawa ang tree planting sa pasilidad ng planta na pinamahalaan ng Shell Exploration bilang operator ng planta. Nauna ng nagsagawa ng tree planting ang grupo sa Barangay Ambulong na komunidad ng Shell-Malampaya Gas Plant.

Ang punongkahoy na narra, mahogany at pine tree ang itinanim sa napiling bakanteng lote na bibisitahin tuwing magsasagawa ng monitoring ang MMT sa nasabing planta.

Isinagawa ang MMT monitoring tuwing ika- tatlong buwan.  Kasama sa mga pinagaralan ang hangin, tubig at maging ang mga community projects ng Shell Malampaya upang masigurong napapangalagaan  hindi lamang ang kapaligiran kundi maging amg mamamayan.---MJ Pedraja

 

logo


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh