Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUBJECTS NA ROAD SAFETY AT CINEMA APPRECIATION SA HIGH SCHOOL, ISINUSULONG SA KAMARA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Dalawang bagong asignatura ang nais ipasok sa high school curriculum ng ilang mga partylist lawmakers upang palakasin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa road safety at cinema appreciation.  Inihain nina AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones at 1-UTAK Partylist Rep. Homer Mercado ang House Bill 4890 o Road Safety Education Act of 2011.  Ayon kay Palmones, 2000 na kabataan na may edad 14 na taon pababa ang namamatay taun-taon sa kalsada. Lalamanin ng asignatura ang kaalaman sa kaligtasan sa kalsada, mga road safety strategic measures and programs at maging mga road signs.

 

Ang Department of Education (DepEd), sa pakikipatulungan sa Department of Transportation and Communication (DOTC) at Department of Public Works and Highways (DPWH) and maglalabas ng implementing rules and regulation ng nasabing batas.  Isang batas naman upang pataasin ang cinema appreciation ng kabataan ang nais ipasok ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa high school curriculum. Ito ay sa pamamagitan ng House Bill 4576 o Philippine Cinema Appreciation Act for High School Students.  Gagawing mandatory sa high school ang patuturo ngpagkilala sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapanood ng iba’t ibang obrang pampelikula na gawa ng ating mga kababayan.

 

Ito ay daan upang kilalanin ng kabataan ang malikhaing sining ng mga pinilakang tabing sa bansa at i-relate ito sa kultural at sosyal na kalagayan ng Pilipinas.  Ang panukalang batas na ito ay inahahalintulad niya sa paglalagay ng mga literature classics tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang panatilihing buhay ang kasaysayan at kultura sa mga kabataan.  Dagdag pa ni Palatino, importante ang pagpapalakas sa kultura upang makabuo ng matatag na bansa. Ang DepEd, national Commission for Culture and the Arts (NCCA) at University of the Philippines Film Institute ang magtutulungan para magkaroon ng magandang nilalaman ang asignaturang ito.

logo_deped


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh