Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUBSIDIYA PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA, IBIBIGAY

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Mahigit tatlong libong magsasaka at mangingisda sa 26 na bayan sa Laguna ang makikinabang sa Subsidy Program na inumpisahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).  Nakatakdang ang pagbibigay tulong sa mga nasa sektor ng agrikultura mula Hulyo hanggang Agosto ngayong taon.

 

May kabuuang P11, 105, 592 ang tulong na makukuha ng mga nasa bayan ng: Alaminos, Bay, Biñan, Cabuyao, Calamba, Calauan, Cavinti, Famy, Liliw, Kalayaan, Los Baños, Luisiana, Lumban, Mabitac, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Paete, Pagsanjan, Pakil, Pangil, Pila, Sta. Cruz, San Pablo, Sta. Rosa, Sta. Maria, Siniloan, at Victoria.

 

Ang rice subsidy sa pamamgitan ng Cash for Training at Cash for Work ang daan ng DSWD upang mabigyan ng pansamantalang kabuhayan ang mga walang naaani o nahuhuling mga isda sa panahon ng Hulyo, Agosto at Setyembre.  Mabibigyang pagkakataon rin ng programa na magkaroon ng partisipasyon sa mga komunidad patungkol sa mga proyekto ng ahensya at maging ligtas sa mga posibleng sakuna o disaster na tatama sa kanilang mga pamilya.  Sa ilalim ng proyekto, kailangang dumaan sa preparedness, mitigation and rehabilitation o mga risk reduction projects and activities ang mga magsasaka at mangingisda na makikinabang sa tulong ng gobyerno.

fisher


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

 


Last Updated on Tuesday, 23 August 2011 06:41

Add comment


Security code
Refresh