Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BIR AT SENADOR LITO LAPID ABSENT SA CDC TAX FORUM

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

San Pablo, Laguna---Sa hindi pa malamang dahilan ay absent si Senator Lito Lapid sa ginanap na Committee Tax Forum at Cooperative Development Consultation sa San Pablo Laguna. Ito sana ang kaniyang  kaunaunahang Senate hearing ngayong 15th Congress bilang bagong Chairperson ng Joint Oversight Committee on Cooperatives. Sa halip ay si dating senador Juan Miguel Zubiri ang dumating bilang Consultant at kapalit ni Lapid.  Si Zubiri ang dating Chairman ng komite at pangunahing may akda ng Republic Act 9520 o Philippine Cooperative act of 2008.  Aniya ay may basbas umano siya mula kay Lapid dahil eksperto umano siya sa nasabing isyu ng Cooperative Code at bilang dating Chairperson ng komite.

zubiri

“Ako po ang nagtakda ng Cooperative Code [kaya] ay medyo eksperto na po ako kaya kinausap ko po si Senator Lapid at nagpapasalamat po ako sa kanya na ako’y pinayagan niya na umatend on his behalf sa mga hearings na ito.” pahayag ni Zubiri.

Bukod kay Lapid, bigo ring dumalo sa naturang hearing ang Bureau of Internal Revenue o BIR na kabilang sana sa hot seat ng forum kaya naman dahil dito, nagbabala si Zubiri sa BIR ukol sa ilang isyu sa forum na hindi natalakay dahil wala ito. Gusto sanang marinig ni Zubiri ang paliwanag ng BIR sa harap ng mga kooperatiba kung bakit hindi pa naibibigay ang ilang mga benipisyo lalo na ang tax exemptions ng mga ito.

Samantala nangako naman si Laguna Governor George ER Estrada na sa susunod na meeting ay siya mismo ang magdadala sa mga taga BIR ---CHRISJOHN ALCANTARA


 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 23 August 2011 06:32

Add comment


Security code
Refresh