Ipinasa na rin sa wakas sa House of Representatives ang pagbabawal sa mga kolehiyo at unibersidad na pigilan ang kanilang mga estudyante na may hindi bayad na tution and other fees. Inaprubahan ng mababang kapulungan ang House Bill 4791 nitong nakaraang linggo na nagbabawal sa mga paaralang magpatupad ng “no permit, no exam” policy at nagbibigay parusa sa mga opisyal ng mga pamantasan na magbabawal sa mga estudyante na makakuha ng mga exams dahil sa mga unsettled financial obligations.
Ayon sa isa sa primary author ng batas na si Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino, ito ay magsisilbing warning sa mga vovational schools, kolehiyo at unibersidad na magpatupad ng nakakahiyang polisiya tulad nito. Ilan rin sa author ng nasabing panukalang batas ay ang mga kongresista sa progressive bloc sa Kamara na sina Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares ng Bayan Muna Partylist, Emmi de Jesus at Luz Ilagan ng Gabriela Partylist, Rafael Mariano ng Anakpawis Partylist at Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist. Ayon sa inilabas na statement ni Palatino, isang magandang balita at ito ay magiging babala sa mga nagpapatupad ng no permit, no exam policy.
Sa ilalim ng HB 4791, lahat ng estudyante sa mga kolehiyo, unibersidad at vocational schools sa bansa ay papayagang makakuha ng midterm at final examinations kahit may kakulangang obligasyon sa kanilang pamantasan. Hindi rin nito pinapayagan ang polisiyang pumipilit sa mga posylaes ng mga paaralan na maningil ng hindi bababa sa tatlumpung porsyento sa mga estudyante bago kumuha ng pagsusulit. Sa kabila nito, binbigyan rin ng kapangyarihan ng panukalang batas ang mga paaralan na i-withhold ang paglalabas ng marka at clearance ng mga estudyanteng may di pa bayad na matrikula. Maaari ring hindi tanggapin ng pamantasan sa susunod na enrollment ang mga estudyante hanggang hindi pa nababayaran ang mga utang. Maaaring patungan ng hanggang anim na prosyentong interest ang hindi mababayarang utang.
Kapag naisabatas ito, pagmumultahin ng P20,000 hanggang P50,000 ang sinumang hindi susunod at mapapatunayang lumabag dito. Kaparehong panukalang batas na rin ang gagamiting ng Senado sa pamumuno ni Senador Edgardo Angara, Head ng Committee on Education, Arts and Culture. Kailangang maipasa muna sa dalawang kapulungan ang panukalang batas bago pirmahan ng pangulo bilang batas. Mahalaga ang batas na ito dahil papalapit na naman ang exam period sa mga pamntasan. Walang sinumang kongreista ang tumutol sa ikatlo at huling pagbasa ng batas na ito. Malaki ang partisipasyon ng pagkakaisa ng mga estudyante at magulang sa mabilis na pagpasa nito sa Kongreso. Malaki rin ang inaasahang partisipasyon ng mamamayan hanggang makarating ang panukalang batas na ito sa Palasyo.
Ang mga estudyante na nakakaranas na hindi makakuha ng pagsusulit ay nakakaranas ng kahihiyan at maging ng pagbagsak sa mga asignaturang kinukuha nila. Ipinapakita rin sa batas na hindi na dapat mabahala ang mga estudyante kung hindi nila mababayaran ang kanilang matrikula sa tamang oras. Marapat na lamang na sila ay tumutok sa kanilang pag-aaral upang makapasa sa mga eksamen. Ngayong hindi pa napapatupad ang batas, maaari pa rin silang makakugha ng exam kahit hindi pa bayad ng buo ang matrikula sa pamamagitan ng pagpapakita sa Section 99, Article 20 ng Manual of Private Schools na nagbabawal sa no permit, no exam policy. Kung susuriin ang batas, walang talo dahil may probisyong pumapabor rin naman sa mga kolehiyo at pamantasan. Malinaw na nakasaad naman ang mga maaaring gawin ng mga paaralan kung sakaling hindi tuluyang makapagbayad ang mga estudyante sa kanilang mga pinapasukang paaralan. Higit na tama naman na walang multa o mabigat na parusa ang ipataw sa estudyante kung sakaling hindi ito tuluyang makapagbayad sa kanilang matrikula.
Ang anti-no permit, no exam policy ay dapat agarang maipasa ng ating pamahalaan bilang batas dahil isa itong makamamamayan na polisiya. Ito ay dapat kabilang sa tuwid na daan na inihahain ng Administrasyon Aquino na kaniyang agenda noong eleksyon. Ang tunay na agenda sa edukasyon ay mabigyan ng karapatan ang bawat kabataan na makapasok sa paaralan at makapg-aralan. Hindi na dapat dumaan sa anumang hirap. Higit dapat pag-ibahin ito sa hindi umuusad na K+12 Program ng gobyerno na naglalayong higit maghirap ang mga magulang sa pagdagdag ng dalawang taon sa basic education. Ang panukalang batas na ito ay higit na magpoprotekta sa mga mahihirap nating mamamayan at mga kabataan.---Matt Palentinos

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post