MOTORSIKLO NABUNDOL NG MITSUBISHI L-300 VAN, 2 SUGATAN
STA. ROSA CITY, LAGUNA-----DALAWANG sakay ng motorsiklong Honda kulay itim at may plate number NQ-8298 ang ginagamot ngayon sa Sta. Rosa Community Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna.
Ito ay matapos na mabundol ng Mitsubishi L-300 Van, kulay puti, na may plate number WPP-542 na nakarehistro sa Morth Gate Technologist Inc. na may address sa G. Masangkay Street, Sta. Cruz, Manila ang nasabing motorsiklo.
Kinilala ni Police Supt. Ismael Fernandez, Hepe ng Sta. Rosa City Laguna Police ang driver ng Mitsubishi L-300 Van na si; Apolonio Chaves y Landicho, 47 taong gulang, may-asawa, residente ng Aliwan 3-C, Loans Street, GSIS Village, Project 8, Quezon City.
Ang driver naman ng motorsiklo ay nakilalang si Rosdan Evaristo y Cruz, 33 taong gulang, binata, nakatira sa number 147 Purok 2, Barangay Aplaya, Sta. Rosa City, Laguna.
Sa imbestigasyon ni PO3 Alexander Arce, nabatid na dakong ika-3:15 ng hapon naganap ang nasabing insidente, sa Rizal Boulevard, Barangay Malusak, Sta. Rosa City, Laguna.
Kasalukuyan umanong tinatahak ng motorsiklo ang nasabing lugar nang ito ay mabundol ng L-300 Van na naging dahilan upang isugod sa nabanggit na pagamutan ang driver ng motorsiklo at angkas nito na hindi pa nakikilala ng pulisya.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya, at inaalam kung sino ang may kasalanan sa insidenteng nabanggit na pagbundol sa motorsiklo ng Mitsubishi L-300 Van.
4 NA MAGNANAKAW, ISA ARESTADO NG PULISYA SA LAGUNA
BINAN CITY, LAGUNA------ARESTADO ang isang Magnanakaw, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang tatlo pa nitong kasamahan na pawang mga menor de edad, nagnakaw ng pumasok sa tahanan ng isang ginang sa Block 69 Lot 5 Phase 10, Bukidnon Street, South City Homes, Barangay Sta. Tomas, Binan City, Laguna.
Kinilala ni Police Supt. Leonard Luna, Hepe ng Binan City Laguna Police ang biktima na si; Nida Constantino y Soriano, 52 taong gulang, may-asawa at residente ng lugar na nabanggit.
Ang naaresto namang suspek ay si; Jeffrey Mendoza y Javier, 25 taong gualang, at ang pinaghahanap ng pulisya ay sina; Jomark Perez y Cabumida, 14 na taon; Alfred Tapis y Martin, 15 taon, at Jasper Mendoza y Javier, 15 taon, mga binatilyo at pawang nakatira sa Sitio Pragratic, Barangay Sto. Tomas, Binan City Laguna.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na ganap na ika-3:45 ng hapon ng pasukin ng mga suspek ang bahay ni Constantino; kinuha ang mga Appliances, Alahas at mahahalagang gamit sa bahay na umaabot sa halagang P221,000.00.
Ayon sa ilang kapitbahay ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, ang 2 umano sa mga suspek ay nagtuloy sa silid ng biktima, habang wala ito sa bahay, at ang 2 naman ang kumuha sa mga Appliances na nasa salas.
Maging ang water pumped umano ay kinuha ng mga suspek. kaya ng dumating ang ginang ay agad ipinagbigay alam ng mga kapitbahay ang pangyayari, na mabilis namang nakatawag sa himpilan ng pulisya at agad na nagresponde ang mga awtoridad.
Naaresto si Jeffrey Mendoza, nakunan pa ito ng isang Screw driver at nabawi dito ang motor pumped, ngunit ang 3 pa nitong mga kasamahan ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya.
MENSAHERO INARESTO, DAHIL SA PAGSUNTOK SA DALAGA
SAN PEDRO LAGUNA-----INARESTO ng mga Barangay Tanod ang isang Mensahero na sumuntok sa isang Dalaga, maatapos na magtalo ang mga ito sa lugar ng Pacita Main Road, Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Police Supt. Kirby John Kraft, Hepe ng San Pedro Laguna Police ang suspek na si; Jaylord Hortillano y Lumnog, 26 na taong gulang, binata, residente ng Maligaya 3, Barangay San Vicente nasabing bayan.
Ang biktima naman nito ay nakilalang si; Chinily May Dela Cruz, 19 na taong gulang, dalaga, residente ng Block 5 Lot 129 Birgonia Street, Elvinda Village, Barangay San Vicente, bayang nabanggit.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na ang insidente ay naganap dakong ika- 5:45 ng hapon, Nang magkita ang dalawa sa lugar na nabanggit ay nagkaroon ito ng pagtatalo na nauwi sa panununtok ng suspek sa dalaga.
Maga ang balikat at alsado ang mukha ng dalaga na mabilis na nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod na nagpapatrulya sa nabanggit na lugar, Agad na inimbitahan sa barangay hall ang suspek upang kunan ng pahayag.
Ang dalaga naman ay nagpa-doktor at nagpa eksamin, para magkaroon ng Medico Legal Certificate, na gagamiting ebidensiya sa korte. Mabilis namang tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga Barangay at iti-nurn over ang nasabing suspek.
Sa kasalukuyan ay naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspek sa San Pedro Laguna Municipal Jail, habang inihahanda naman ng pulisya ang papeles ng demanda para sa korte.
Submitted by Arlene P. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph