Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MAYOR NG LEMERY BATANGAS, DAWIT SA POLICE MURDER CASE

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 
CAMP VICENTE LIM, LAGUNA-----DAWIT umano ang Mayor ng Lemery Batangas sa naganap na brutal na pagpaslang sa dating Admin Officer ng Batangas Police Provincial officer at dating hepe ng Sta. Rosa City Laguna Chief of Police na pinatay noong July 12, 2011 (Huwebes) sa Barangay Butong, Taal, Batangas ng Anim na kalalakihan na sakay ng L-300 Van.

Ang sinasabing Mayor ng Lemery na dawit sa pagpatay kay Police Supt. Rodney Ramirez, ay si Kagalang-galang Larry Alilio, na siyang itinuturo ng dalawang naarestong mga suspek  na sina; Arnold De Silva at Socrates Magsumbol ng Lemery at San Luis, pawang sakop ng Batangas.

Ayon kay 4A-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Chief, Police Sr. Supt. Edwin Jose Nemenzo, posibleng malutas agad at maresolba ang kaso sa pagpatay kay Supt. Ramirez, dahil sa pagkaka-aresto kina; De Silva at Magsumbol noong nakalipas na August 8, 2011 (araw ng Lunes).

Sinabi naman ni Police Supt. Archival Macala, tagapagsalita ng CIDG-4A sa Camp Vicente Lim Canlubang Laguna, na posibleng makikilala sa lalong madaling panahon kung sino ang pinaka-mastermind sa pagpatay kay Supt. Ramirez, kung maaaresto ang nasabing Alkalde.

Sapagkat ayon sa rekord na naitala ni Police Supt. Ramirez,  noong ito pa ang Intelligence Officer ng Batangas PPO ay pinaghuhuli nito ang mga Drug Pusher na pinaniniwalaang mga kaalyado ng pulitikong nabanggit.

Tinuran pa ni Police Supt. Macala, na ang mga nakuhang armas at mga bala kina De Silva at Magsumbol, ay idinaan na sa Ballistic at Cross-Matching Examination at inaalam na kung magkakapareho ang mga bala na pumatay kay Supt. Ramirez.

Ang dalawang naarestong mga suspek ng CIDG4A ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Violation of RA 8294 (illegal possession of Firearms, Ammunitions and Explosives) sa tanggapan ng Batangas Provincial Prosecutor's. (Arlene P. Mariposque)

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh