Calamba City --- Ngayong buwan ng Agosto ay nasa tatlumpung (30) mamamayan ng Calamba mula sa iba’t ibang barangay ang dadalo sa limang araw na pagsasanay para sa Bamboo Processing. Ang pagsasanay na ito ay binubuo ng pagpili, pag-aani, operasyon ng mga makina, pag-aayos/o paggamot at preserbasyon. Ang naturang pagsasanay ayon kay Susan R. Palo, Director ng Department of Trade and Industry (DTI), ay isang paghahanda para sa lungsod ng Calamba bilang Bamboo Node sa ilalim ng Bamboo Development Project, flagship project ng DTI.
| Sa ilalim ng proyektong ito ang tinatawag na "node" ay kung saan ang kawayan ay binibili at kinokolekta at ginagawang produkto. Maliban sa nakasanayan ng paggamit nito, ang kawayan ay may mataas na demand bilang materyales sa konstruksyon, tulad ng dingding at mga gamit sa bahay. Ang pinakamahal na kahoy sa mga pamilihan ay hindi gawa sa narra o iba pa kundi sa kawayan sabi ni George Berris, operator sa isang bamboo processing facility. Ayon pa kay Berris na dating mayor ng bayan ng Calauan, siya ay nakakagawa ng 300 na kawayan araw araw na ginagawang sticks at toothpicks. |
Sinabi naman ni Marilou Quinco-Toledo, DTI Calabarzon Regional Directorn na malaki ang pangangailangan para sa kawayan upang maabot ang demand 'di lang sa lokal na industriya kundi maging sa buong mundo. Sa karagdagan, malaki rin ang naitutulong nito na maibsan ang epekto sa kapaligiran ng climate change at global warming. Inaasahang ang Calamba ay makikiisa sa bayan ng Calauan sa pagpapalago ng industriya ng kawayan bilang mahalagang proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan.---M.J. Pedraja
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph