ne.wikipedia.org | Hiniling ni Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino na gawing libre ang pagpasok sa mga museo at mga historical shrine sa bansa kahit dalawang beses sa isang buwan. Sa pamamagitan ng House Bill 4932, hinihikayat ang lahat na bisitahin at pahalagahan ang pamana n gating mga bayani at ninuno. Mayroong 300 museo at 22 historical shrine na matatagpuan sa buong bansa na naglalaman ng mga cultural artifacts, mahahalgang mga pangyayari at iba pang mga bagay na importante sa kasaysaysan. Ayon kay Palatino, "...nagiging dagdag sakit sa bulsa pa ang mga bayarin na gaya nito na layon naman na makilala natin ang lahi natin ng lubusan..." Sa ilalim ng panukalang batas na ito o ang Free Access to Museums Act, dapat magtalaga ng dalawang araw ang mga museo, pribado o publiko, kung saan walang babayarang ang mga nais pumasok rito. Ang National Commission for Culture and Arts ang nakatakdang maglabas ng implementing rules and regulations kung sakaling ito ay maging isang ganap na batas.---Matt Palentinos |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Friday, 19 August 2011 05:25