Binuksan sa Los Baños, Laguna ang isang clonal facility para sa mga puno upang higit na magparami ng mga punong gagamitin sa reforestation project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang magagandang kalidad ng puno na matatagpuan sa Lalawigan ng Laguna ang pangunahing dahilan kung bakit dito napili ng DENR na magtayo ng clonal facility.
Ito ay tugon ng ahensya sa National Greening Program ni Pangulong Benigno Simeon Aquino sa susunod na anim na taon. Ang pangunahing mithiin ng clonal facilty ay ang makapag-produce ng mga puno na malaki ang tsansa na tumubo ng malusog.
Sa ilalim ng National Greening Program, 1.5 milyong ektarya ng lupa ang tataniman ng 1.5 bilyong puno hanggang matapos ang termino ng pangulo sa 2016.

denr.gov.ph
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Friday, 19 August 2011 04:43