Calamba City, Laguna---Bilang pagtugon sa kahilingan ng pangunahing samahan ng mga magsasaka sa Calamba, ang Calamba Rice Growers Cooperative, ay nakatakdang ipagkaloob ng Komite ng Agrikultura ang libreng insurance coverage at uniporme para sa mga kasapi ng naturang samahan. Ayon kay Konsehal Lajara, mahalaga ang mga ganitong klase ng assistance o ayuda sa panahon ng kagipitan para sa mga magsasaka.
Ang Komite ng Agrikultura na pinangungunahan ni Konsehal Lajara ay kasalukuyang nagsusulong sa Sanggunian na maging ekslusibong supplier ng malalaking pamilihan ang mga lokal na magsasaka ng Calamba upang matiyak ang kanilang kabuhayan sa kabila ng pagdagsa ng mga dambuhalang kumpanya sa lungsod. Kaalinsabay nito ay sinisikap din ng komite ang maigting na kampanya para sa organic farming bilang tugon naman sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph