Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: "LOKAL NA IMBENSYONG PANGTRANSPORTASYON, PAGUGULUNGIN"

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III, mas maraming mambabatas na ang nais magsulong ng mga gawang Pinoy na inobasyon sa transportasyon.  Pinuri ng mga senador at mambabatas ang pagtatayo ng monorail system sa University of the Philippines-Diliman. Ang pagiging mura at makakalikasan nang ganitong klaseng imbensyon ang nais ni Senador Egardo Angara sa proyektong ito na pinangunahan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Department of Science and Technology.

Isang mabuting hakbang ng DOST ang ginawang paghihikayat sa mga siyentipikong Pilipino na magbalik bansa at maghain ng inobasyon na tutulong sa kanilang mga kababayan. Unti-unti nitong winawasak ang kolonyal na mentalidad at pagiging makasarili ng ilan nating kababayan, partikular na ang mga siyentipiko na kumikita ng milyong piso sa ibang bansa.

Naunang umandar ang e-jeepney at e-tricycle sa Kamaynilaan. Inumpisahan ng Lungsod ng Makati ang pagpapatakbo ng mga de kuryenteng jeep. Ilang mga ruta na sa Makati ang pinaghaharian na ng makabago at makakalikasang sasakyan na ito. Sa Lungsod naman ng Mandaluyong, pinasinayaan na rin ni Mayor Benhur Abalos ang kanilang E-Tricycle. Ang tricycle na ito ay gumagamit rin ng baterya at walang inilalabas na usok. Malaki rin ang kapasidad nito para sa pasahero kumpara sa mga normal na tricycle na bumibyahe sa ating mga lansangan.

Hindi matatawaran ang galling ng mga Pinoy sa mga imbensyon. Nakita na natin ito sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga Pilipino sa iniwang mga military jeepney ng Estados Unidos noong panahon ng digmaan at ginawa itong makukulay na jeepney. Ito na nga rin ang matatawag na pambansang sasakyan ng mga Pinoy. Tinuturing din itong simbolo ng lansangan sa bansa.  Sinabi ni Angara na sa bilis ng takbo ng panahon, kayang-kaya ng mga Pinoy na makagawa ng imbensyong hindi nakasisira sa kalikasan, tipid sa gasoline at hindi pa makadadagdag sa trapiko.

Ang local monorail system project o Automated Guideway Transit (AGT) ay tatakbo rin tulad ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) subalit sa iisang riles lamang ito dadaan. Tinatayang makatitipid ang gobyerno ng dalawampung porsyento kaysa sa mga imported na tren.

Masasabing walang lugar na urban sa bansa ang walang trapiko. Isang malaking dagok rin ang pagbaba ng kalidad ng hangin nating nilalanghap sa mga siyudad dahil sa polusyong bitbit ng mga sasakyan at mga pabrika. Sa isinigawa ngang pag-aaral ng Asian Development Bank o ADB, lumabas na ang Maynila ay isa sa mga lugar sa Asya na may pinakamaduming hangin. Ang level of suspended particulate matter dito ay dalawang beses na masmataas sa limit na itinalaga ng World Health Organization. Ang masakit pa dito tinatayang abot sa pitumpung poryento ay nagmumula sa mga sasakyan.

Tunay na malaki ang miaitutulong ng dalawang kilometro na test track ng monorail sa UP kung saan aabot hanggang animnapung pasahero ang kayang isakay. Mga inhenyero ng UP Diliman at ang DOST Metal Industry Research and Development Center ang magtatrabaho upang mapadali ang proyekto.

Pagkakataon na ng gobyerno natin na ipakita ang kanilang concern sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagsisiguro na mayroong maayos na kapaligiran silang maaabutan. Panahon na rin na unti-unti na nating iwanan ang pagiging dependent sa langis na sinusupply ng mga dayuhan. Kailangan na nating angkinin ang pagmamay-ari ng mga pampublikong transportasyon upang higit na mabantayan ang kaligtasan ng mga nakasakay rito at maging ng mga nakapaligid dito.

Kung pinalakpakan natin ang mga inobasyong ginawa ng Mandaluyong at Makati. Dapat din nating bigyang pugay ang pagtutulak ng ilang LGUs tulad ng Lungsod ng Calamba, Laguna na gumamit din ng ganitong mga alternatibong transportasyon.

Ang proyetong monorail ay magiging isang modelo para sa makabagong transportasyon. Kasabay ito ng Electric Vehicle Program at Green Transport Initiative na tinutulak ng DOST, Congressional Commission on Science and Technology and Engineering at National Research Council of the Philippines.

Ang mga ganitong klaseng proyekto ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan. Hindi na siguro natin dapat sayanging ang pera ng taumbayan sa mga hindi naming mapapakinabangang mga proyekto. Kailangan magpakita ang pamahalaan ng kasiguraduhan sa pagsuporta sa mga ganitong klaseng inobasyon. Marami ng mga inobasyon mula sa bansa tulad ng hydro vehicle ang napirata ng ibang bansa sa dahilang hindi ito sinuportahan ng pamahalaan. Sana naman ngayon, hindi na mapabayaan pa ang mga importanteng imbensyon na tunay namang makakatulong sa bansa.

Panahon ng pagulungin ang imbensyong Pinoy sa mga lansangan at riles ng bansa. Kailangang magbuhos kahit papaano, hindi lamang ng national government, kundi pati ang mga LGUs ng pondo sa mga ganitong klaseng pagbabago.---MATT PALENTINOS

1e-jeep

photo: www.flickr.com

RELATED ARTICLE:

E-Jeepney sa Calamba


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Add comment


Security code
Refresh