Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PROGRAMA NG PNP- MEDIA TACTICAL SKILLS TRAINING TAGUMPAY

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Calamba City, Laguna---Ginanap ang kauna-unahang PNP –Media training skills sa Firing range ng Brgy. Masili dito pa rin sa naturang Lungsod. Isinagawa ito sa tulong ng mga PNP Calamba sa pamumuno ni Police Chief Superintendent Joel Pernito kasama ang mga SWAT Team, Media  at mga trainor tulad ng mga miyembro ng PSSA Camp El Dridge. Dumating din si dating Bise Gobernador Ramil Hernandez upang sumuporta sa nasabing programa. Layunin nito na maging mapagmatyag, alerto at matutong proteksyunan ang mga sarili sa masasamang loob. Nais din niya na matuto ang bawat isa upang malaman ang tamang paggamit at paghawak ng baril. “Alam naman natin na may mga gumamit ng baril sa maling paraan at nagiging matapang ang iba pag may hawak na baril, dapat lamang mas higpitan pa ang pagbanbantay dito upang hindi ito magamit sa masama. Ani ni Pernito

Sinabi pa niya “bilang mga pulis nais talaga namin ng kapayapaan sa aming nasasakupan, alam naman natin na maraming mamamahayag ang napapahamak sa pagsususulat o kaya’y pagsasabi ng mga balitang nakakasakit sa iba, tungkulin namin na proteksyunan kayo at kami naman ay sana maunawaan na tungkulin lang namin na mas maging mahigpit pa para sa ikaayos ng lugar na sakop namin at sa mga krimen na nakikita natin sa ating mga lugar huwag mag atubiling lumapit sa PULISYA upang masolusyunan kung anuman ang nagiging problema.”

Natapos ang naturang Firing ganap na alas 5 ng hapon at naging maayos at matagumpay ang naturang programa. (Arlene P. Mariposque)

aaacrossing


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER



Add comment


Security code
Refresh