| NAGCARLAN, LAGUNA----UMAABOT sa 100 metro ng kawad ng Manila Electric Company (MERALCO) ang nawawala at halos dalawang Barangay ang nawalan ng Liwanag ng kuryente sa halos magdamag sa bayan ng Nagcarlan, Laguna. Ito ang lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Ronan Bulahan, imbestigador ng Nagcarlan Laguna Municipal Police Station at nabatid na halos isang oras sa pagitan ng ika-3:00 hanggang ika-4:00 ng madaling araw, kamakalawa nawala ang kawad ng MERALCO. Nabatid pa ng pulisya na personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya sina Barangay Captain Ariel Barrios ng Barangay Sibulan, at si Barangay Kagawad Edgardo Bonbad ng Barangay Banca-Banca pawang sakop ng Nagcarlan Laguna at inreklamo ang pagkawala ng kawad ng kuryente sa kanilang lugar. Ayon pa sa ulat ng pulisya, mula sa salaysay ng dalawang barangay opisyal, sinasabing marami umanong mga residente ang nagtiis ng Electrical Shortage at nagpenitensiya dahil sa kadiliman sa kanilang lugar.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang nawawalang kawad ay sa mga poste ng MERALCO na may bilang FBI-0043 hanggang FBI-0045 na pinaniniwalaang ninakaw ng hindi nakilang suspek. Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy naman ang ginagawang pagmamanman ng mga awtoridad sa mga kalapit na Barangay para matuloy kung sino ang nagnakaw ng nasabing kawad ng MERALCO. (Arlene P. Mariposque) |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph