![]() | CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----BUMAGSAK sa kamay ng 4A Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang number 10 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Laguna, na matagal na panahon ding nagtago sa batas. Kinilala ni Police Sr. Supt. Edwin Jose Nemenzo, CIDG Regional Chief, ang naarestong suspect na si Roger Yasay y Casipit, 32 taong gulang, may-asawa, Tricycle Driver, at nakatala sa listahan ng pulisya, bilang number 10 Most Wanted Person ng Laguna. Ayon kay Police Supt. Archival Macala, tagapagsalita ng CIDG4A, Ganap na ika-1:00 ng tanghali, Nang puntahan ng Laguna CIDG4A sa pamumuno ni Police Chief Inspector Orlando Castil Jr., sa Block 1 Phase 1 Lakeside Nest Subdivision, sa Barangay Banay-Banay, Cabuyao, Laguna ang nasabing suspek. |
Armado ng Warrant Of Arrest ang grupo ng Laguna CIDG4A na inisyu ni Honorable Judge Teodoro N. Solis, ng Regional Trial Court Branch 25, Binan City Laguna at may Criminal Case Number 22019-B, may kasong "RAPE" .
Wala ng nagawa pa si Roger Yasay ng mapaikutan ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguang hideout at kusang loob na lamang itong sumama sa grupo ni Police Inspector Castil Jr..
Ang nasabing pag aresto kay Yasay ay kaugnay sa patuloy na kampanya ng CIDG-CALABARZON Laban sa mga Wanted Person sa bansa. (Arlene P. Mariposque)
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 15 August 2011 07:05