Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LAGUNA NEWS: Sports, Health & Organic Market

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

SPORTS, PALALAKASIN SA LAGUNA

Pipirma ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Pamahalaang Lalawigan ng Laguna at Philippine Sports Commission (PSC) upang pataasin ang lebel ng sports sa lalawigan ngayong buwan.

Ayon kay Sports Head Albert Abarquez, napapanahon ang pagpirma ng MOU dahil uumpisahan ng probinsya ang grassroots level program nito na Gov ER Batang Laguna.

Ang Intensive Training Program na idudulot ng MOU ay tiyak na makakatulong sa pagpapalakas ng U12 at U16 teams ng probinsya at magpapalakas pa na sa Laguna idaos ang Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Inaprubahan na noon pang Hunyo ng Sangguinang Panlalawigan sa pamamagitan ng Legal Services Office.


 

PROYEKTO SA KALUSUGAN, SINIMULAN SA SAN PEDRO

Sa pangunguna ni Effective and Responsive Hospital Operation and Management Information System (ER-HOMIS) Project Manager Jeffrey Villaseñor, inumpisahan ang Project Kick-off sa San Pedro Municipal Hospital.

Dumalo ang mga tauhan at empleyado mula sa Department of Health-Infomartion Management System at National Center for Health Facility Development sa isang symposium-type na programa ng ER-HOMIS.

Nanguna ang mga dumalo upang pagtibayin ang mithiing mapalakas aat mapaganda ang serbisyo sa kalusugan ng mga hospital sa mamamayan ng Laguna. Ito ay parte ng K2-Kinse Kumpleto Serbisyo Publiko na programa ng gobernador ng lalawigan.

Inaasahang magkaroon din ng ganitong programa sa JP Rizal District Hospital sa Calamba at maging sa San Pablo Distrcit Hospital.


 

Organic at flea market, idaraos sa boardwalk ng Sampaloc Lake

SAN PABLO CITY, Laguna, Agosto 5 ---Nakatakdang magdaos bukas, Agosto 6 ng Weekend Organic at Flea Market ang ATIKHA Overseas Workers Communities Initiatives Inc. sa pangunguna ni Executive Director Estrella Dizon-Anonuevo sa boardwalk ng lawa ng Sampaloc.

Sa pagtataguyod ng San Pablo City Organic Market Working Group, ang okasyon ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-isang taon ng dating Organic Weekend Market by the Lake at Eco-Life Tour: Nurture your roots and home stay accommodation program ng ATIKHA. Sinabi ni Anonuevo na ang weekend organic at flea market ay magsisilbing lugar na maipapakita ang mga organic farm produce at produkto hindi lamang ng lokal na magsasaka kundi pati na rin ng mga kalapit na bayan. Dagdag pa rito, dito rin maaaring mag-buy and sell ng mga lumang gamit sa kusina, damit at mga libro na magbibigay pagkakataon sa mga residente na may pagkakitaan bilang dagdag na hanapbuhay.

Ang mga ganitong proyekto, ayon kay Mayor Vicente Amante, ay nagpapakita ng magandang koordinasyon at pagtutulungan ng pribado at publikong sektor para sa lalo pang ika-uunlad ng lungsod. Samantala, ang programang ito ng ATIKHA ay alinsunod sa kanilang adbokasiya na pagpapa-unlad ng ecotourism, community development, sustainable agriculture at environment protection na siya ring adhikain ng pamahalaan lungsod.(NDS-PIA4A)

 

Submitted by: Arlene P. Mariposque

logo


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


 

Add comment


Security code
Refresh