Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LALAKI NAGBIGTI DAHIL SA SELOS

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Calamba City,  Laguna --- Isang binata ang nagpakamatay na kinilalang si Armando Celosa Jr. Production helper ng Inoac Phils. Corpo., 26 taong gulang, matapos nitong magbigti gamit ang cable wire sa mismong tinitirhan nitong boarding house sa Purok 6 Brgy. Lawa sa nasabing lungsod.

 

Base sa ginawang imbestigasyon ni SPO3 Mendoza ng Calamba Pulis dakong alas 9 ng umaga nitong Aug. 14 ay bumili pa ang binata sa tindahan at pagkatapos makalipas lamang ang ilang sandali ay humahangos itong ka live in niya na nakilalang si Cecile Palanca, may sapat na taong gulang, may kaanak sa Villa de Calamba na umiiyak itong lumapit sa namamahala ng boarding house at sinabi nitong nagbigti ang kanyang kinakasama kung kaya't agad tumawag sila sa Barangay at agad namang tumawag ng pulis upang imbestigahan ang pangyayari. Base sa imbestigasyon si Armando ay tubong Leyte at nasa mahigit isang taon nang naninirahan doon. Habang nasa banyo si Cecile ay paglabas niya ay nakita nito na nakabigti at agad nitong pinutuol ang wire at nagbabakasaling mabuhay pa ito subalit wala na itong buhay ng ibaba niya.

 

Ayon sa mga kapitbahay malimit mag away ang magka live in dahil seloso diumano ang lalaki at parating nagbabanta na magpapakamatay ito at ang babae naman ay matapang sa kinakasama nito. Masususing iniimebestigahan ang pangyayari at dinala ang biktima sa Funeraria Nazareno upang iatopsiya ang bangkay. Ang ka live in nito ay dinala muna sa pulisya upang kunan pa ng mga pahayag sa nangyaring krimen.//Arlene P. Mariposque

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh