32 SUGATAN SA BANGGAN NG BUS AT TRUCK SA STAR TOLLWAY
- Wednesday, 10 August 2011
- Written by Calamba Super Administrator

| CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----TATLO katao ang malubhang nasugatan, at 29 na iba pa ang nagtamo ng mga pinsala sa katawan, matapos na magbanggaan ang isang pampasaherong bus at trailer truck sa Star Tollway sa San Jose Batangas, kahapon ayon sa pulisya. |
Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni CALABARZON Police Regional Director, Police Chief Supt. Gil Meneses, sa Camp Vicente Lim, Canlubang Laguna, na ipinadala ni Batangas Police Provincial Director, Sr. Supt. Rosauro Acio, nabatid na dakong ika-12:00 ng tanghali naganap ang nasabing insidente.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang Trailer Truck ay patungo sa Batangas ng bumangga ito sa Ceres Bus na patungo sa Manila at may lulan na 30 mga pasahero, pagsapit umano sa kilometer 88 sa bahagi ng Barangay Lapu-Lapu ay doon na ito nagbanggaan. Ang bus driver na nakilalang si Joselito Ramos, ang nagtamo ng pinaka-malubhang kalagayan, at ang dalawa pang mga pasahero, na nananatiling hindi nakukuha ng pulisya ang pangalan ay mabilis na naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Bagamat hindi rin naitala sa ulat ng pulisya ang mga plate number ng dalawang sasakyan, pati na ang mga pangalan ng 29 na mga pasahero, ay patuloy itong kinakalap ng mga imbestigador, dahil sa inu-unang malapatan ng kaukulang lunas ang mga ito. Ayon pa sa ulat ng pulisya, Ang Trailer Truck ay nag-over take umano sa iba pang mga sasakyan, at natigil lamang ito ng tuluyan ng bumangga sa pampasaherong bus na kasalubong nito at sinasabing wala na sa linya dahil sa nasa kaliwang bahagi na ito ng kalsada. ( Arlene P. Mariposque )
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER
Add comment