Ilang buwan na ang ginagawang paghahunting ng mga lokal na mula sa probinsya sa mga geckos o mas kilala nating tuko. Ito ay sa dahilang nabebenta ang mga ito ng hanggang milyong pisong halaga sa ilang mangangalakal. Ilang buwan rin ang lumipas at nagpatawag na rin sa wakas ng imbestigasyon ukol rito ang Senado. Pangungunahan ng Senate Committee on Trade and Commerce ang imbestigasyon. Ito ay sa pamamagitan ng inihaing Senate Resolution No. 538 ni Senador Manuel Villar. Pinaniniwalaang nakagagamot ang ilang bahagi ng tuko, partikular na sa sakit na cancer. Isa ring aphtodisiac ang mga ganitong klase ng butiki o lizard. Sinasabing nagiging mabenta ito dahil nakakagaling rin daw ito ng asthma, tubercolosis, pagkabaog, at maging ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS). Hanggang ngayon ay walang kahit anong scientific basis na nakakagamot nga ang tuko.
Sabi ni Villar, kahit hindi nabibilang na endangered ang mga tuko, sila ay maaari pa ring unti-unting maubos dahil sa pangongolekta at pagkuha nito mula sa kanilang mga natural na tirahan. Naibebenta ang mga tuko sa pinakamababang halaga na P50, 000 kada 300 gramo ayon sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources. Ibinebenta rin ang mga tuko online sa pamamagitan ng mga networking sites at ibang internet-based marketing networks. “The public must be guided accordingly on the medicinal worth of geckos if there’s any.Baka sa halip na gumaling sila ay lumala pa ang kanilang karamdaman dahil sa kumakalat na bali-balita," ani Villar
Kinatatakutan rin ang pagtaas ng dengue dahil lamok ang pangunahing kinakain ng mga tuko. Sa paglabas ng mga balita tungkol sa pagbebenta ng mga tuko ay tumaas ang bilang ng tinamaan ng dengue, ayon sa Department of Health. Tinatayang sa loob ng kalahating taon ay umabot na ang nagkasakit ng dengue ng 27,000 sa buong bansa, batay sa Disease Surveillance Report ng DOH-Epidemiology Center. Isa lang ito na maaring maging dahilan nang pagkasira ng balanse ng kalikasan. Sabi nga sa kanta, “Ang lahat ng bagay ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat.” Ang pagkawala ng isang specie sa kalikasan ay makakaapekto direkta sa ibang specie, mapahayop man, halaman o tao. Sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 9147 o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act, bawal ang pagbebenta ng mga protected animals. Pinagbabawal rin ang pagpatay ng mga hayop kung hindi naman ito nakakaapekto o nakakapeste sa mga tao. Sinasabing ang mga internal organs ng tuko ang ginagamit o ang pagbababad at pagpreserba nito sa likido ang makakagamot sa iba’t ibang karamdaman. Tiyak na papatayin ang mga tukong hinuhuli at binebenta ng mga mangangalakal.
| Kilala ang tuko sa bansa sa paggawa nito ng kakaibang tunog kapag gabi kung saan sinasabing daan nila ito ng komunikasyon.Ang mga tuko ay carnivorous, nocturnal o sa gabi lang gising, at mayroong malalgkit na footpads na tumutulong sa kanila na umakyat madalian sa mga puno o pader. Isang hakbang ng pagprotekta, hindi lamang sa mga tuko, kundi sa buong kalikasan ang ginawang aksyon ng Senado. Hindi dapat tayo masilaw sa pinansiyal na halagang panandaliang ibibgay ng mga tuko kung maaari naman nitong sirain ang ecosystem o ang balance ng buhay. Sa bawat pagsira o pagyurak natin sa Inang Kalikasan ay babalikan naman tayo ng mas mabigat na ganti. Ipinakita na ng mga datos ang nangyaring pagtaas ng bilang na tinatamaan ng epidemya at asahang tataas pa ito kung tuluy-tuloy ang tao sa paghuli ng tuko. Tinatawagan ang atensyon ni Environment Secretary Ramon Paje sa nangyayaring paglaganap ng kalakalan. Sana ay gumawa rin ng hakbang ang mga lokal na environment offices upang maipakalat ang maaaring maging epekto ng pagkaubos ng tuko at mga halintulad na hayop. Ayaw naman natin na hanggang sa mga cellphone at computer na lamang natin maririnig ang tunog ng tuko sa gabi.--Matt Palentinos |
Environment Sec. Ramon Paje, however, had said there is no scientific basis for such claims.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post