Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PASUKAN SA ESKWELA: HUNYO O SETYEMBRE?

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Matapos ang sunud-sunod na pagkansela ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa mga bagyo at malakas na pag-ulan, muli na namang nabuhay ang panukalang gawing Setyembre na lamang ang pasukan sa eskwela.  Itinutulak ngayon ng mga kongresista sa pamamagitan ng House Bill 4895 na ilipat na ang umpisa ng school year sa Setyembre. Akda ito ng bagitong Congresswoman ng Cavite na si Rep. Lani Mercado-Revilla.  Sa kasalukuyan, tuwing Hunyo inuumpisahan ng mga mag-aaral ang kanilang pagpasok sa eskwela at nagtatapos sa Marso. Samantalang ang panukalang batas ni Revilla ay naglalayong gawing Setyembre hanggang Mayo ang pasukan sa eskwela.

 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),  labingsiyam hanggang dalawampung bagyo ang dumaraan na bagyo sa pagitan ng Hunyo at Setyembre. Sa ngayon pa nga lamang umpisa ng Agosto, labingtatlong bagyo na ang dumaan sa bansa.  Sa Metro Manila pa nga lamang, nitong Hunyo ay umabot sa sampung araw ang kanselasyon ng mga klase dahil sa mga pag-ulan lamang. Dulot ng malakas na pag-ulan ay ang matinding pagbaha rin na nakakaapekto sa mga daanan at mismong mga paaralan kaya malimit makansela o maging irregular ang mga klase.  Isang malaking hakbang ng pamahalaan ang mangyayari kung mapatupad ang batas na ito. Inilagay sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante dahil ito ang summer season ng bansa. Kahalintulad ito sa modelo ng pasukan ng mga Amerikano. Kalakhan ng Estados Unidos ay dumaranas ng summer vacation sa Hulyo at Agosto. Ito ang hinalinturan ng mga Pilipino sa dahilang mga Amerikano rin ang nagsabing nagbigay na sistematikong edukasyon para sa lahat.

 

Isa pa, tradisyunal at nababatay rin sa cultural na preperensiya ng bansa ang paglalagay ng bakasyon sa mga buwan ng Abril at Mayo. Madalas na pumapatak ang panahon ng Semana Santa sa buwan ng Abril. Bilang bansa na may mayoryang populasyon ng mga Katoliko, tinatapat ang bakasyon para tayo ay mangilin at magdasal.  Dagdag sa usapin ng relihiyon, tumatapat rin karamihan ang tradisyunal na mga piyestahan sa iba’t ibang lugar tuwing Mayo. Malalaki ang selebrasyon ng iba’t ibang bayan o baranggay kapag sasapit ang kanilang mga pista. Madalas itong dinarayo ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar.  Sa ngayon, tanging ang Pilipinas at Brunei Darussalam na lamang ang bansa sa rehiyon ng Asya-Pasipiko na nagsisimula ng klase sa Hunyo. Nagbubukas ang klase ng mga kalapit bansa natin depende sa panahon nila. Ang Malaysia at Singapore ay nagbubukas ng klase tuwing Enero; Tsina tuwing Pebrero; South Korea kapag Marso; Japan at India kapag Abril; Thailand kapag naman Mayo; Hulyo sa Indonesia; at Setyembre naman ang sa bansang Hong Kong.


Malaki ang maitutulong upang iligtas ang kalusugan ng mga estudyante at mga guro kung ililipat ang klase. Mas madalas at mas maraming mga sakit ang nakukuha tuwing ta-ulan, mula sipon, lagnat at trangkaso. Tumataas din ang bilang ng nagkakaroon ng leptospirosis o sakit na nakukuha sa ihi ng daga dahil sa pagsuong ng mga tao sa baha. Magiging iwas abala rin sa mga magulang ang pangyayaring ito dahil hindi na sila dapat biglaang magsundo pa ng kanilang mga anak kung biglaan nagkaroon ng clas suspension.  Nakababahala man tingnan subalit marami pa rin ang hindi payag sa ganitong panukala. Tingin ng ilang kabataan nagmimistulang “KJ” o Kill Joy ang mga may nais ilipat ang pasukan sa ibang buwan. Mawawala ang esensya ng bakasyon. Babagsak ang turismo dahil madalas ang mga kababayan rin natin ang turista sa ganitong panahon subalit kung walang kababayn natin ang makakapgbakasyon ay hihina rin ang kabuhayan at turismo. Magkakaroon ng domino effect ang sinasabi nilang solusyon sa pagkaantala ng ilang mga klase.


Nasa dalawampu at lima hanggang tatlumpu ang nababawas sa taunang klase dahil sa masamang panahon at ilang mga holidays. Subalit nilinaw ng Department of Education na hindi pa dapat magsagawa ng mga special classes ang mga paaralan. Ito ay sa dahilang mayroong dalawapu at dalawang (22) araw ang buffer days na tinatalaga sa 202 school days. Sa kabuuan, mayroon na 180 regular day of classes na sasapat pa kahit nagkansela na ng ilang klase.  Ilang panahon at Kongreso na rin ang lumipas na mayroong kahalintulad nito na panukalang batas subalit walang nagtagumpay. Ngayong isang kilalang bagong kongresista ang naghain ay may posibilidad kayang maisabatas ito. Mayroong pag-asa subalit wala sa panahon. Sa pagdama natin sa tinatawag na pagbabago ng klima, dadamahin natin ang extreme weather. Maaari nating damhin ang pinakamainit na panahon sa summer at maaari ring umulan ng napakalakas na panahon kahit tag-init.

publicschool-philippinesact-teacher.org

 

Kung usapin ng nakasanayang pasukan, siguro mas maraming kababayan natin ang higit pa ring papabor na huwag nang ilipat pa ang pasukan. Gugustuhin ng Pilipino na tugunan na lamang ang mga pisikal na problema sa mga paaralan tulad ng mga paaralang binabaha, kakulangan ng klasrum at mga upuan, at maging ng libro kaysa magkaroon ng pagbabagong wala pa rin namang kasiguraduhan.---Matt Palentinos


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

 

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 09 August 2011 04:33

Add comment


Security code
Refresh