2 BRGY KAGAWAD SINAKSAK NG ESTUDYANTE SA LAGUNA
- Monday, 08 August 2011
- Written by Calamba Super Administrator
CALAUAN, LAGUNA---DALAWANG Barangay Kagawad ang pinagsasaksak ng isang estudyante, habang nasa harap ng isang inuman sa Barangay Santo Tomas, Calauan, Laguna, kamakalawa ng gabi.Kinilala ni PO2 Jerome Gumangan, ang mga biktima na sina; Roderick Pang-Ao y Caringal, nasa hustong gulang, at Rico Magna y Jaurigue, 29 na taong gulang, pawang may-asawa, parehong Barangay Kagawad ng Barangay Santo Tomas, ng nasabing bayan.
Ang suspek naman ay nakilalang si; Monching Gasta y Cafe, 20 taong gulang, binata, 4th Year Student ng Dayap National High School at residente ng Block 56 Lot 38 Site 1 National Housing Authority (NHA), lugar na nabanggit. Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad na dakong ika-9:25 ng gabi na maganap ang nasabing insidente. dumating ang mga biktima sa isang inuman sa Barangay Sta. Tomas, dahil sa imbita ng isang kakilala. Makalipas ang ilang oras, ay dumating naman ang isang Janeth na nobya ng suspek, kinursunuda ng mga biktima ang babae na hindi nman pinansin ng dalaga bagkus iniuwi ang lasing na si Gasta, dinala sa isang silid para magpahinga, ngunit agad ding bumalik ito na armado na ng patalim.Agad na sinaksak si Pang-Ao na kumursunada sa nobya, habang inaawat naman siya ni Magna ay ito naman ang pinagsasaksak ng suspek, si Pang-Ao ay dinala sa Pagamutang Pangmasa ng Laguna sa Bayan ng Bay at agad na inilipat sa District Hospital sa San Pablo City Laguna. Habang si Magna naman ay isinugod sa Los Banos Doctors Hospital sa Los Banos Laguna para lapatan ng kaukulang lunas. Agad namang naaresto ng pulisya ang nasabing suspek at nakapiit na sa Calauan Laguna Municipal Jail, at nakatakdang sampahan ng kaso sa korte. (Arlene P. Mariposque )

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER
Last Updated on Monday, 08 August 2011 05:07Add comment