Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Grupo ng mga Rescuer sa Calabarzon nakaalerto

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


CALAMBA CITY, Laguna ---Sa naranasan ng Region 4A  na pagbaha dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga bagyo tulad ni bagyong Juaning na tumama ng husto sa kabikulan kung kaya’t nananatiling nakaalerto ang mga rescuer dito sa ating rehiyon, kamakailan lang ay muntik na naman tumama sa atin ang bagyong Lando at kabayan,  ngunit na dala pa rin ng patuloy na pagulan dahil sa hanging amihan na dala nito.


Ayon ka Vicente Tomazar, regional director Civil Defense (OCD-4A) at  chairperson ng  RDRRMC-4A,  sinabi niya na ang  Municipal Disaster Risk Reduction Management Councils (MDRRMCs) ng  Angono, Taytay, Cainta , Teresa, Binangonan, Cardona, Morong, Pililla, Baras, Jala-jala, Tanay, Rodriguez at Antipolo City ay nagsasagawa ng pagsasanay kung sakaling bigla na lamang tumaas ang tubig sa mga lugar na ito.


Nakikipagtulungan din sa kanila sina Lt. Col Detoyato ng Charlie Company sa pamumuno ni  Lt. Carlo Angeles , CO 16IB,202Brigade of 2ID para sa posibleng operasyon para sa mga sasagipin kung sakaling tumaas ang tubig sa mga lugar na nabanggit particular na sa  probinsiya ng Rizal Rodriguez at San Mateo Rizal.

Sinabi pa ni Tomazar  na inaabisuhan nila agad ang mga nasa lugar na maaring magka landslide at tumaas ang tubig na agarang lumikas kung alam nilang sobrang lakas na ng ulan. Ang mga miyembro ng   RDRRM at agensiya ng LDRRMCs ay laging nakaantabay upang malaman nila ang mga lugar ng naapektuhan ng pagbaha at landslide.  ( Arlene P. Mariposque )

rescue4


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh