Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BUS NA HINOLDAP NAPIGILAN NG MGA PASAHERONG PULIS

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Watch Related Video on Youtube


Hindi akalain ng anim na holdaper na umakyat sa HM Transport bus kaninang alas 8:40 umaga (Aug 02 11) na may tatlong pasaherong pulis pala itong sakay, kaya naman ang masama nilang plano napurnada.

Kwento ng conductor ng bus na si Jeffrey Sara 39 ang sakay nila ng silay umalis sa terminal ng sta cruz laguna patungong Cubao Quezon city sakay na nila duon palang  ang dalawang di naka unipormadong mga pulis na sina PO2  Roberto Cansanay, PO1 Jimta Jur Uddin habang  si PO1 Jeffrey Baccay naman na  nakauniporme ay sumakay sa tapat ng camp eldridge.

Sa may Splash mountain daw ng brgy lalakay sila pinara ng dalawang lalake na ang buong akala nila ay mga pasahero, pagkasampa ay agad na sumunod ang apat na lalake na nasa kabilang kalsada sabay bunot ng baril at nagdeklara ng holdap.

“pagsakay nung isa bumunot agad ng baril nagkasa kumasa na rin nagdeklara ng holdap tapos tinawag yung mga kasama nila nasa kabilang kalsada yung apat sumampa na sila sa bus nangyare nagdeklara ng holdap sa unahan sila nakatutok sa pasahero di nila alam may pulis sa hilihan3 pulis yung sakay namin”

Ayon naman kay PO1 jeffrey baccay pagkakita sa kaniya ng mga holdaper ay tila nataranta ang mga suspect kaya  agad siyang pinaputakan ng mga ito sabay kumaripas ng takbo at ng makababa na ang mga holdaper saka naman sila hinabol ng di nakaunipormadong pulis na ikinagulat ni PO1 Baccay na may kasama pala siyang pulis

“nung nataranta na sila nagpaputok na sila ng baril nila patungo sa akin tpos nagtakbuhan na pababa” ani PO1 Baccay

Tinamaan sa kaliwang kamay si Jenny Liza Ortiz na nadala naman agad sa pinakamalapit na pagamutan samantala nahuli ang isa sa mga suspek na nakilalang si Dario Lumagba ng Makati City  habang patuloy pa rin  ang isinasagawang paghahanap ng laguna police sa lima pang mga holdaper na mabilis na nakatakas- SG COLBY

logo

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

Last Updated on Thursday, 04 August 2011 06:15

Add comment


Security code
Refresh