Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MAGSASAKA NAKALIGTAS SA PAGBARIL NG SHOTGUN SA LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

CAMP PACIANO RIZAL, STA CRUZ, LAGUNA-----NAKALIGTAS  ang isang magsasaka na binaril ng shotgun matapos na makapanago ito sa puno ng Lansones sa Barangay San Vicente , San Pablo City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Ferdinand  De Castro, Hepe ng San Pablo City Laguna Police ang biktima na si Romulo Fernandez y Cavanez, 46 na taong gulang, binata, at ang suspek naman ay nakilalang si Roberto Soriano y Quinay, Alyas Obet, 55 taong gulang, kapwa magsasaka at pawing nakatira sa lugar na nabanggit.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong ika-6:00 ng gabi ng maganap ang pamamaril ng suspek sa biktima, habang nagtatali ng kalabaw sa isang puno.

Dalawang beses na pinaputukan ng suspek ang biktima na mabilis namang nailagan ni Fernandez at nakapangubli sa puno ng Lansones, kaya hindi ito tinamaan ng bala ng shotgun.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas si Obet,  dala ang baril na ginamit nito,  mabilis namang humingi  ng tulong sa Barangay at sa pulisya ang biktima na agad namang nagresponde.

Naaresto ng mga Awtoridad si Obet sa tulong na rin ng mga Barangay Official ng Barangay San Vicente ng lugar na nabanggit.

Nakadetine na sa San Pablo City Laguna Police Station Jail ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ni PO2 Peter Janairo sa korte ng nasabing lunsod. (Arlene P. Mariposque)

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh