Nitong nakaraang Linggo ay napanood sa programa sa telebisyon na “Imbestigador” ang raid na isinagawa sa Motel na Getz Inn sa Barangay Halang, Calamba City. Sa operasyong ito, sa tulong nga mga pulis Calamba, ay nasagip ang ilang mga kabataang diumano ay biktima ng prostitusyon at nasakote naman ang may-ari ng naturang establisimiyento na si Myrna Briones, A.K.A., Myrna B. Lajara.
Naging katanungan kung kaanu-ano ito ng bise alkade ng Calamba na si Binoy Lajara. Sa pamamagitan ng isang liham sa naturang programa ay ipinahayag ng Vice Mayor na hindi manghihimasok ang kanilang pamilya sa usaping ito at hayaang maganap ang proseso ng hustisya.
| “Nang mamatay ang aking ina, nagkaroon ang aking ama ng relasyon sa katauhan ni Myrna. ‘Di ko rin naman mapagbawalan ang aking ama na h’wag umibig. Ngunit kaming 12 na magkakapatid ay lumaki kay Nanay Paseng, kapatid ng aking nanay. Si Myrna ay hindi kasal kay tatay, ang alam po namin ay lehitimo ang mga negosyo ni Myrna dahil noong buhay si tatay ay tinutulungan ni tatay sa negosyo si Myrna. Kaya nga nabigla rin po kami sa pangyayari na ipinalabas sa “Imbestigador”...Makakaasa po ang publiko na hindi po kami makikialam sa imbestigasyon ng pulisya. Malungkot po ang pangyayari at hindi kanaisnais, nakakaawa ang mga biktima...Hayaan na po natin ang korte ang magdesisyon.”—Vice Mayor Binoy Lajara |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 02 August 2011 01:51
Comments
RSS feed for comments to this post