Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

297 BAGONG PULIS NAGTAPOS SA CAMP VICENTE LIM

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

police-grad1

police-grad2

Kasabay na malakas na pagbuhos ng ulan noong ika-26 ng Hulyo 2011 ay nagsipagtapos ang 297 na mga bagong pulis na galing sa ibat ibang unit tulad ng Intelligence Group, Crime Laboratory, Maritime Group at Pro CALABARZON Sa Camp Vicente Lim.

Ayon sa mga bagong graduates, hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago nila makamtan ang kanilang pinapangarap na maging isang ganap na pulis.  Isang taon silang sumabak sa seryosong mga training  bago sila nakapasa kaya naman tuwang tuwa ang kanilang mga mahal sa buhay ng makamtan ng kanilang mga anak na bagong pulis ang kanilang mga pangarap.

Sinabi ng isa sa mga top graduates na si PO1 Arnold Taganas ng Crime Laboratory Group:  “..sa wakas tapos na ang medyo mahirap-hirap na training...Isang taon ‘yung training namin tungkol sa public safety tsaka mga basic  works ng mga  officer, ah turn over na po kami sa mga units namin...”

Bagamat halos 300 ang mga bagong pulis ang nadagdag sa hanay ng pambansang pulisya, aminado ang pamunuan ng PNP na kulang na kulang pa rin ang mga pulis sa bansa.  Sa katunayan ay sa kasalukuyan ay  mayroong ratio na isang pulis  sa isang libong mamamayan na dapat sana ay isa sa limaandaan lamang kaya naman  malaki parin ang kulang sa bilang ng mga pulis.

Sa ngayon ay babalik na sa kanikanilang units ang mga bagong pulis dala ang kanilang bagong responsibilidad sa bayan at sa mamamayan-CHRISJOHN ALCANTARA


 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Monday, 01 August 2011 08:07

Add comment


Security code
Refresh