Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PLASTIC BAN SA BUONG BANSA, HINILING

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Matapos ang sunud-sunod na pagpasa ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabawal ng paggamit ng plastic at Styrofoam sa kani-kanilang lugar, iminungkahi ni Senador Loren Legarda ang pagbabawal nitong tuluyan sa buong bansa.

Inihain ni Legarda ang SBN 2759 o ang Total Plastic Ban Act of 2011, matapos ang sunud-sunod na pagpasa ng iba’tibang lungsod at munisipalidad na ipagbawal ang plastic sa kanilang mga lugar.

Labing-isang munisipalidad at siyudad ang nauna nang magpatupad ng ban sa plastic. Kabilang dito ang mga Lungsod ng Muntinlupa, Batangas, Biñan, Laguna at Antipolo, Rizal.

Bawal rin ang plastic sa mga munisipalidad ng Burgos, Pangasinan; Los Baños, Laguna; Carmona, Cavite; Imus, Cavite; Lucban, Quezon; Infanta Quezon; at Sta. Barbara, Iloilo.

Nitong Hunyo lamang ay sumunod na rin sa magandang hakbangin ang Lungsod ng Calamba at Munisipalidad ng Pila na parehong nasa Laguna.

Ang SBN 2759 ay magbabawal sa mga supermarkets, restaurants, fast food chains, department stores at mga retail stores at establisyemento sa buong bansa ng paggamit ng non-biodegradable plastic bags.

Dagdag pa ni Legarda na patunay ang Lungsod ng Mutinlupa sa pagbawas ng baha sa kanilang lugar matapos ipatupad ang kanilang ordinansa. Hinkayat niya rin ang mga LGUs na suportahan ang implemntasyon ng RA9003 o Solid Waste Management Act.--Matt Palentinos

plastic


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Friday, 29 July 2011 14:20

Comments  

 
0#1Mikea2011-08-02 14:33
Baka po gusto nyo mag business ng paperbag....nag bebenta po ako ng paperbag making machine....meron po kaming brand new at used.....may post po kami sa sulit eto po ang link--->
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/3713509/Automatic+High+Speed+Paperbag+Making+Machine-FAST+ROI?referralKeywords=paperbag+making+machine
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh