Calamba Laguna- Laking panghihinayang ng mag-asawang Opeña sa sinapit ng kanilang unica hija kagabi (July 26). Si Baby Mikaela, 10 buwan na sanggol, ay namatay matapos itong malunod sa isang balde na may lamang tubig.
Ayon kay Annaliza, ina ng sanggol, natutulog silang mag-ina sa sahig bandang alas 8 kagabi sa kanilang tahanan sa Brgy 2 Tibag Calamba ng siya ay maalimpungatan at napansin niyang wala na sa kaniyang tabi ang kaniyang anak, kaya naman agad daw niyang isinara ang pinto upang huwag makalabas ang bata. Subali’t ng hanapin nito si Mikaela ay huli na ng tumabad sa kaniya ang anak na nakalublob sa balde. Ayon pa kay Annaliza ay kaagad nilang sa pagamutan ang sanggol subalit idineklara itong patay.
“...Lumapit ako dahil wala ‘yung bata, paglapit ko nakita ko yung bata nasa timba, bigla na lang akong sumigaw, binuhat ko yung bata palabas ng pinto” pahayag ni Annaliza
Sa kasalukuyan ay nakaburol na ang mga labi ni Baby Mikaela sa kanilang tahanan at patuloy naman ang pagdagsa ng mga nakikiramay- Chris John Alcantara

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 27 July 2011 15:25
Comments
RSS feed for comments to this post