Bilang ng Kaso ng Rabies, Nananatiling Mataas sa Tanauan
TANAUAN CITY, Batangas, July 26 ---Inihayag ng City Health Office (CHO) na nananatiling mataas ang bilang ng kaso ng rabies sa lungsod kung saan nakapagtala ng 442 kaso at namatay ang isa. Ang Barangay Darasa ang may pinakamalaking bilang ng kasong naiulat.
Bunsod nito, puspusan ang ginagawang kampanya ng CHO upang mapa-alalahanan ang mga mamamayan sa pag-iingat na makagat ng aso. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales ng barangay upang maipa-alala sa kanilang nasasakupang ang higit pang pag-iingat at mga dapat gawin sakaling makagat ng aso.
Nagsasagawa rin ng pagbibigay ng libreng bakuna kontra rabies at pinapayuhang maging alerto at maging maingat sa mga asong nakakalat sa mga lansangan. Dagdag pa rito, nagsasagawa na rin ng panghuhuli ng mga asong gala at dinadala sa impounding area kung saan maaaring tubusin ng mga may ari. Sa kasalukuyan, mahigit sa 50 galang aso na ang nakakulong sa impounding area.
Samantala, hinihikayat ng CHO ang lahat ng opisyal ng barangay na magpasa ng ordinansa upang lalo pang mapaigting ang nasabing batas bukod pa sa panawagan sa mga nag-aalaga ng aso na maging responsableng amo. (CPG-PIA4A)
DSWD Allots P67M for ‘KALAHI-Makamasang Tugon’ Beneficiaries
LUCENA CITY, Quezon, July 26 --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A has allocated P67 million for the eight municipality-beneficiaries under the ‘Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)-Makamasang Tugon’ program of the DSWD.
Among the eight municipalities, Buenavista received bulk of the pie with P18.5 million allocation and followed by San Narciso with P12 million. The towns of Panukulan, Dolores and San Francisco got P8 million allocation each, Burdeos P7 million, Patnanungan P3 million and Jomalig P2.5 million.
In the memorandum of agreement (MOA) signed between DSWD IV-A and the provincial government of Quezon, both parties agreed on each of their responsibilities specified in the implementation of the program.
Aside from providing the budget, the DSWD IV-A will also monitor the implementation of the project to make sure it conforms with the terms and conditions specified in the MOA.
On the other hand, the provincial government and the eight municipality-beneficiaries will also allot local counterpart necessary in the completion of the different projects.
Meanwhile, the program is expected to generate jobs in the eight municipalities. As specified in the MOA, barangay residents would be prioritized for employment in any construction project to be undertaken. ((CPG-PIA4A)
Cash-For-Work, Ipinamahagi sa mga Residente sa Paligid ng Lawa ng Taal
TALISAY, Batangas ---Ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang tulong pinansiyal sa mga residente ng barangay sa siyam na bayan na lubhang tinamaan ng fishkill kamakailan Hulyo 26. Personal na ipinamahagi ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang tulong-pinansyal sa mga benepisyaryo ng cash-for-work program mula sa mga bayan ng Balete, Talisay, Laurel at Agoncillio. Kasabay naman nito ang magkakahiwalay na distribusyon sa bayan ng San Nicolas, Cuenca, Alitagtag, Sta. Teresita at Mataas na Kahoy.
Aabot sa halagang P3.7 milyon ang naipaabot na tulong sa may tatlong libong pamilya na direktang tinamaan at pansamantalang natigil ang kabuhayan bunga ng fishkill sa lawa ng Taal noong buwan ng Marso at Hunyo 2011. Inaasahan sa isinagawang pagtulong ng lalawigan sa mga apektadong residente na pansamantalang magagamit ang tulong pinansiyal na ito sa pamumuhunan sa alternatibong pagkukunan ng kita.
Matatandaan na nauna nang isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ang cash-for-work program sa mga residente ng Volcano Island bunga naman ng pagbagsak ng bilang ng mga turistang bumibisita sa Taal Volcano Crater kung saan pangunahing ikinabubuhay ng mga residente doon ang pagiging tour guide sa mga lokal at banyagang turista sa bulkan. (CPG/ EVZ, PIA-Batangas)
TRICYCLE DRIVER SINAKSAK
Sta. Rosa City, Laguna---GRABE ang tinamong tama ng saksak sa leeg ng isang trysicle driver na nakatayo lamang sa harap ng isang panaderya nang sinugod ito ng saksak sa lugar ng Sitio Nissan, Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.
Kinilala ni Police Supt. Ismael Fernandez, Hepe ng Sta. Rosa City Police Station ang biktimang si John Rey Casanas y Abadillo, 26 na taong gulang, may-asawa, at ang suspek naman ay nakilalang si Rey Mark Matta y De Borja, 20 taong gulang, binata, pawang nakatira sa lugar na nabanggit.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad na dakong ika-12:40 ng umaga, nang maganap ang nasabing insidente sa nasabing lugar. Isang Charlie Pandez y Medez ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at ini-ulat ang pangyayaring pananaksak na kanya umanong nasaksihan ng oras na iyon.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, habang nakatayo umano ang biktima sa harap ng Panaderya ay bigla na lamang dumating ang suspek, nagsisisigaw at nagmumura at hinahanap ang biktima. Nang makita ito ay agad na kinompronta, pinagsalitaan ng masasakit na mga salita, at hindi pa umano nasiyahan, kumuha ng isang bagay na matulis at sinaksak ang biktima sa leeg. Matapos ang nasabing pangyayari ay mabilis na tumakas ang salarin at ngayon nga ay kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad, habang ang biktima naman ay agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan para lapatan ng kaulukulang lunas.(Arlene P. Mariposque)
//Submitted by A. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph