Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MAHIGIT 25000 GSIS MEMBER, HINDI MAKAKAUTANG

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

gov

Hindi makakakapag-loan at makatatanggap ng dibidendo ang 25000 miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) matapos suspendihin ng ahensya ang kani-kanilang mga tanggapan.

Ayon sa GSIS, sinuspinde nila ang iba’t ibang ahensya dahil hindi nag-remit ang mga ito ng mga kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Roberto Vergara na 287 member-agencies nila ang hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro, kasama pati mga utang, na tinatayang aabot sa P2.38-bilyon.

Mahigit tatlumpung porsyento sa mga hindi nakakapag-remit sa GSIS ay mga local government units. Dahil sa pangyayaring ito, 25,454 empleyado ang hindi makakapag-apply ng loan o makaktanggap ng mga dibidendo.

Sa ilalim ng GSIS rules, suspendido ang isang ahensya kapag wala itong naibigay na bayad sa loob ng animnapung araw.

Sa pamamagitan naman ng isang Memorandum of Agreement, sinabi ng iba’t ibang ahensya na kanilang babayaran ang kanilang pagkakautang. Agad babawiin ang suspensyon pagkatapos mabayaran ang kanilang mga obligasyon.--Matt Palentinos



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 26 July 2011 01:39

Comments  

 
0#1Delfin Canares2011-08-03 23:27
dahil sa problema ng gsis sa posting nila, nagdurusa ang mga miyembro, gsis kahit saan kahit kailan maasahan PWE
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh