Pinaiimbestigahan ni Anakpawis Representative Rafael Mariano ang nagaganap na kontraktwalisasyon sa mga opisina ng gobyerno. Hiniling ni Mariano sa pamamagitan ng House Resolution 1174 sa House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang kasiguraduhan ng mga government employees sa tenure maging ang iba pang porma na sinasabi niyang “flexibilization”.
Lumabas sa mga datos, na mahigit animnapung porsyento ng mga government employees ay casual, 13.2% naman ang contractual at 12.2% ang tinatayang mga co-terminus. Ito raw ay patunay ng pag-akyat ng bilang ng mga non-career personnel sa gobyerno na aabot na sa 161,146 ngayong taon. Karamihan ng mga ito ay mula sa mga government offices, GOCCs at mga LGUs.
Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay ang may pinakamalaking bilang ng mga kontraktwal, casual at mga non-permanent positions. Umaabot sa 83% ng buong MMDA ang masasabing kontraktwal. Umabot sa dalawang-libo ang tinanggal sa MMDA mula noong Pebrero.
Ang Department of Social Welfare and Development ay may tinatayang 2,000 project-based at regular MOA-based employees with no-employee-employer relationship with the agency. Sa Philippine Sports Commission naman ay mayronng 200 kontraktwal na empleyado. Dagdag pa ni Mariano, labingtatlong kontraktwal mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang tinaggal sa trabaho noong Enero matapos ang mahigit sampung taon na pagtatrabaho sa ahensya.
Nagkaroon na rin ng mga kilos protesta ang 43 kaswal na empleyado ng Intramuros Administration nang ibaba sila bilang mga job order workers kahit na nagtatrabaho sila sa ahensya ng 13-17 taon. Nais ni Mariano na imbestigahan ang lahat ng ito para mapagtibaya ang kasiguraduhan sa trabaho ng mamamayan, maging ang burukrasya sa loob ng mga ahensya.---Matt Palentinos

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 26 July 2011 01:46