Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

KILOS PROTESTA NG MGA AKTIBISTA SA TIMOG KATAGALUGAN ISINAGAWA, KASABAY NG SONA NG PNOY

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----NAGSAGAWA ng Kilos Protesta ang mga aktibista sa Timog Katagalugan sa pangunguna ng BAYAN Southern Tagalog, kasabay ng SONA ng Pangulo kahapon (July 25, 20110/Lunes ). Ganap na ika-2 ng hapon ang takdang oras ng pagtitipon-tipon ng mga kasapi ng kilos protesta ng grupong nabanggit sa Lalawigan ng Kabite.


Sa Laguna naman ay ganap ng ika-12 ng tanghali, nagkita-kita sa may Crossing ng Calamba City, at sa ganap na ika-1:00 ng tanghali ay tutungo na sila sa Maynila, upang doon isagawa ang kanilang kilos protesta.

Sa Lalawigan naman ng Rizal, ay matagumpay umanong nalagpasan ng mga welgista ang ginawang pagharang sa may Masinag Hiway ng mga awtoridad dito. Nagtipon-tipon sila sa may Sta. Lucia, Cainta,  para ilunsad ang isinakatuparang Kilos Protesta ng Mamamayan, para ilahad ang tunay umanong kalagayan ng Lalawigan ng Rizal. Ang layunin ay upang pabulaanan ang isisiwalat sa SONA ni P'NOY na pawang pag-uulat na naman umano ng kasinungalingan sa harap ng taumbayan.Ang mga Taga Lalawigan naman ng Quezon at Batangas ay magkasamang tutuloy na lamang sa Maynila, habang hinihintay pa ang kanilang gagamiting mga sasakyan patungo sa Maynila.

Bagamat nagkalat na ang mga kapulisan sa Timog Katagalugan ay buo pa rin ang loob ng mga welgista na magtungo sa Maynila upang makilahok sa kilos Protesta na isasagawa ng mga aktibista. (Arlene P. Mariposque)

 

rally1


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 26 July 2011 01:04

Add comment


Security code
Refresh