| Nasakote ng mga operatiba ng PNP Calamba, sa pamamagitan ng isang entrapment operation ang isang lalake matapos nitong bantaan ang dati nitong kasintahan na ipagkakalat ang kanilang mga nude photographs. Bandang ika-5 ng hapon ng July 14, 2011, isang babae ang dumulog sa tanggapan ng pulisya upang ireklamo ay ang kanyang ex-boyfriend na si Gilbert Trinidad y Antonio, 29 taong gulang na taga Tanauan, Batangas. Diumano ay nagbanta si Trinidad na ipagkakalat nito ang kanilang hubad na larawan kung hindi magbibigay ng perang nagkakahalaga ng 250,000.00 pesos. |
Ayon sa biktima, mahigit walong taon ang tinagal ng kanilang relasyon at inamin ng babae na pumayag ito sa pagkuha ng kanilang nakahubad na litrato sa pag-aakalang ito ay magiging souvenir lamang. Kalaunan ay nagkahiwalay din sila ay nakapag-asawa itong si Trinidad ng ibang babae. Subalit nitong huli ay pinipilit ng akusado na balikan ang kanilang nakaraan.
Nitong ika-27 ng buwan ng Marso ay isang mensahae ang natanggap ng biktima gamit ang facebook mula kay Trinidad na nagbabantang ikakalat nito ang naturang larawan kung hindi siya magbibigay ng P250,000.00 o makipagtalik muli dito. Dahil dito ay naglakas ng loob ang biktima na magreklamo sa mga awtoridad. Sa kasalukuyan ay nakaditini si Trinidad sa PNP Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) ---Submitted by S. Lagandaon
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph