Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LAWA NG LAGUNA, LIGTAS SA FISH KILL AYON SA LLDA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Dahil nga sa pangangamba ng ilang magsasaka partikular na sa baybayin ng Lawa ng Laguna kung kaya’t sinabi ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa publiko na ligtas ang tubig ng lawa at walang nakikitang dahilan para mag karoon ng fish kill.

Sa huling pagsusuri ang dissolved oxygen nito ay nasa 5.7 to 6 milligrams per litro. Ibig sabihin pasado ito bilang malinis at ligtas na tubig dahil ang kailangan lamang ay umabot sa 5 milligrams per litro para sa kaligatasan ng mga isda roon...” yan ang pahayag ni LLDA Gen. Manager Rodrigo Cabrera sa isang pagtitipon.

fishkillclose

Sinabi din ni GM Cabrera  na ang nangyaring fishkills sa Batangas at Pangasinan ay dahil sa paiba ibang lagay ng panahon minsan sobrang init at minsan naman ay umuulan . Kung kaya’t nagkamatay ang mga isda dahil kapag biglang umulan at biglang uminit nagdudulot ito ng kawalan ng mga isda ng oxygen sa tubig. Ang Laguna Lake ay mas mababa sa  Taal Lake,kung kaya’t mas  madali lamang ang pagkuha ng oxygen sa taas upang dalhin sa ilalim ng Lawa ng Laguna.Ang Lawa ng Taal Lake ay nasa 100 metrong lalim, samantalang ang lawa ng Laguna ay nasa 2.5 metro lamang ang lalim.

Sinabi pa ni Cabrera kailangan ng isang rehabilitasyon dahil sa 30,000 mangingisda ang naasa sa Lawa ng Taal na umabot sa 90,000 ektarya ang lawa, upang mapangalagaan ito. Ang lawa ng Laguna ay pinaka magaling na kuhanan ng tubig sa ating bansa at maging sa Metro Manila kung kaya’t kailangan natin itong alagaan, mahalin at ibalik ang dating sigla nito.// Submitted by Arlene P. Mariposque



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh