Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LALAKE PATAY NG PAGBABARILIN SA KAY-ANLOG

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Watch Related video on Youtube

 

kay-anlog11

Nagdadalamhati ngayon ang pamilya Tercero dahil sa pagkakapaslang sa kanilang padre de pamilya na si Mario Tercero matapos pagbabarilin at mapatay ng di pa nakikilalang salarin kaninang ala sais ng umaga (july 22) sa kanilang bukid sa Purok 4 Brgy Kay-Anlog Calamba City Laguna.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, kumukuha lang daw ng balinghoy si Mario sa kanilang bukid ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay  para sa project sa school ng kaniyang anak, ng makarinig ng dalawang putok ng baril ang asawa ng biktima na si Luciana.

Agad namang tinawag ni Luciana ang kaniyang asawa pero ng hindi ito sumagot ay dali dali itong nagpunta sa bukid at dito na tumambad sa kaniya ang duguan at wala ng buhay niyang mister.

Ayon kay P02 Ernesto Reyes, isang tama sa ulo at dibdib ang bumaon sa katawan ng biktima at hanggang ngyon ay wala pa rin silang alam tungkol sa pagkakakilalanlan sa suspect na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Hindi matanggap ng mga kamaganak ang sinapit ni Mario dahil wala daw silang alam na kagalit nito at kilalang mabuting tao daw sa kanilang lugar si Mario.

“Sana naman ‘yung gumawa nun ay makunsensya at wag patulugin...” -pahayag ng kaanak ng biktma –CHRISJOHN ALCANTARA

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Sunday, 24 July 2011 15:55

Add comment


Security code
Refresh