Sa masukal na lugar Nang Sitio Bulihan Brgy. Sala, Cabuyao Laguna ay natagpuang patay kaninang alas 5:30 ng umaga (July 21) ang isang lalake na may tama ng baril sa ulo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Cabuyao PNP, 4:30 ng umaga ng makarinig ng isang putok ang mga residente sa naturang lugar at naitawag na lamang sa mga otoridad ng mag aala sais na ng umaga.
“Wala pong nakakita pero may isang tao doon na sabi nila mga 4:30 am mayroon daw silang narinig na isang putok ng baril malapit dun sa area” ani P02 Michael Arimuhanan Ayon sa Laguna PNP, may taas na 5’5 at edad na 25-30 yrs. old ang lalake bukod sa t-shirt na itim, maong na pantalon at tsinelas na kulay pula na suot nito ay wala ng ibang nakuhang pagkakakilalanlan pa sa biktima. |
Hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng natagpuang lalake at kung ano ang motibo sa pagkakapaslang dito
“wala pa tayong identification kung sino yung tao” dagdag pa ni P02 Arimuhanan
Nakalagak na ngayon sa St.Peter Funeral sa Sta. Rosa City ang mga labi ng biktima—CHRISJOHN ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 25 July 2011 04:03