Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

TIGIL-PASADA,PANIMULANG KILOS-PROTESTA PARA SA SONA--BAYANTK--

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Calamba City – Naglunsad ng tigil pasada at koordinadong protesta ang rehiyon ng Timog-Katagalugan bilang tugon sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Partikular sa Laguna tinatayang nasa 80% ang mapaparalisa ngayong araw H ulyo 20. Samatalang sa ibang bahagi ng rehiyon bagamat hindi pa inaabot ang mataas na porsyento ng pagkaparalisa ay mayroon naming serye at mga koordinadong protesta ngayong araw.

Ito ang tugon ng mga militanteng grupo mula sa  Timog-Katagalugan sa patuloy  na pagtaas sa presyo ng petrolyo. Ayon kay XL Fuentes, Pangkalahatang kalihim ng BAYAN-TK, “kahapon ay nagtaas na naman ng petrolyo noong nakaraang Lingo, Hulyo 12 , nagtaas na naman ng P2/litro ang gasoline at .90 ang diesel at kerosene, bilang epekto tuloy-tuloy din ang pagsirit sa presyo ng bilihin, kung kaya walang kaparis na hirap at kagutuman ang nararanasan ng mamamayan”.

Ika-20 na beses na nagtaas ang presyo sa produktong petrolyo mula Enero, samantalang ang mamamayan ay nananatiling salat sa hanap-buhay, haalimbawa na lamang ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita ay hindi pa rin pinamamahagi sa kanila ang lupa, ang mga manggagawa naman ay walang substansyal na umeto sa sahod at lubha pa ring malinaw ang pagsasawalang bahala ni Aquino sa iba pang serbisyong panlipunan.

“Malinaw ang killing ng pamahalaan ni Aquino: MAKA-KAPITALISTA, MAKA-DAYUHAN AT ANTI-MAMAMAYAN. Kung tutuusin ay may kapangyarihan si Aquino na tanggalin ang mga batas katulad ng OIL-DEREGULATION LAW at E-VAT sa  langis, subalit dahil siya ay MAKA-KAPITALISTA hinahayaan lamang niya ito sa kabila ng kahirapang dulot ng mga ito sa mamamayan.”dagdag pa ni Fuentes.

Ani Rolando Mingo, taga-Pangulo ng STARTER-PISTON “ hindi solusyon ang pagtaas sa pamasahe, sapagkta ipinapasa lamang ito sa mamamayan ang bigat ng pasanin. Mapanghati ang ganitong panukala sapagkat pinagbabangga ang interes  ng taumbayan at ng mga drayber samantalang ang mga kumpanya  ng langis ay nanatiling nagpapakasasa sa milyon-milyong ubo.”

joda1

“ Ang pagkilos na ito ay bahagi lamang ng isang linggong protesta sa aming rehiyon para sa gaganaping SONA ni Aquino, hinahamon naming ang rehimen ni Aquino na pumunta sa rehiyon at alamin ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan, at doon niya makikita ang ibat’- ibang paglaban ng mamamayan.” Pangwawakas na hamon ni Fuentes. // Submitted by Arlene P. Mariposque

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

 

Add comment


Security code
Refresh