Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DRIVER NG MOTORSIKLO SUGATAN NG SUMALPOK SA ISANG BUS

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Watch Related Video on 

youtube

Mayapa, Calamba City---Laking pasasalamat pa rin ng driver ng motorsiklo na si Raymond Buan  matapos lamang itong magtamo ng gasgas sa braso at sugat sa kaniyang kanang tuhod ng sumalpok ang kaniyang minamanehong motorsiklo na may plakang 7763 WB sa unahang bahagi ng gulong ng isang shuttle service na may plakang TYM 793 na minamaneho ni Oscar Mendiola mag aalas otso ng umaga kanina (July 21 2011) sa Brgy. Mayapa Calamba.

Ayon sa mga saksi, nakahinto na ang mga sasakyan sa may tapat ng paaralan ng Mayapa na patungong Canlubang  upang bigyang daan naman ang mga sasakyang papuntang Crossing Calamba kaya naman laking gulat daw ni Buan ng biglang bumulaga sa kaniya  ang isang pampasaherong jeep na may plakang DXW 654 na minamaneho ni Jolan Esguerra dahilan upang mawalan ng control si Buan kaya siya sumalpok sa nakahintong bus.

Pero paliwanag ng driver ng jeep, si Buan daw ang may kasalanan dahil hindi daw ito nagbigay, tuloy ang kaniyang jeep bumalandra sa kabilang kalsada swerte na lamang at walang mga taong naglalakad duon nuong panahong yaon.

Ikinadismaya naman ng mga bystander sa lugar ang mabagal na pagresponde ng mga autoridad dahil tumagal pa ng halos isang oras bago naihatid ang biktima sa napakalapit na sn jose hospital sa pinangyarihan ayaw naman daw nilang bastang buhatin ang biktima sa pangambang lalong lumala ang sugat sa paa ni Raymond- CHRIS JOHN ALCANTARA

accident1   accident2



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Friday, 22 July 2011 07:37

Add comment


Security code
Refresh