Watch Related Video on

| Mahigit 200 pulis sa Laguna ang sumailalim sa isinagawan Annual General Inspection/Operational Readines Security Inspection Test and Evaluation. Pinangunahan ni PCINSP Eduardo Vera Cruz, ang Team Leader ng Inspection Team mula sa Camp Crame ang naturang inspeksyon sa mga kapulisan mula sa mga bayan ng Calamba, Los Baños at Cabuyao. Kabilang sa mga sinuri ay ang maayos na pagsusuot ng uniporme ng isang pulis at pagkatapos ay sumabak na sila sa Operational Inspection tulad na lamang sa aktwal na pagresponde sa Robbery Hold-up na isa sa mga karaniwang kaso sa isang bayan. |
“this afternoon we will be presenting to the inspection team kung paano natin execute ‘yung immediate response sa mga insidente like robbery holdup...” pahayag ni Col. Joel Pernito
Sa kabuoan ay pasado naman daw ang mga pulis na sumabak sa inspeksyon---SG COLBY
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Friday, 22 July 2011 09:31