Nakikita ng mga Representante sa Kamara na maipapasa bilang batas ang pagtatayo ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR). Ito ay matapos pagsamasamahin sa iisang batas ang anim na panukalang batas na mag-aalis sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at magtatayo ng masmalaking departamento. Aalalay ang DFAR sa konserbasyon, pagpapaunlad at paggamit ng mayamang marine resources sa bansa.
| Lahat ng mga record at mga tauhan ng BFAR ay ililipat sa bagong departamento. Pinangunahan ni AGHAM Partylist Angelo Palmones ang Technical Working Group sa pagkokonsolida ng anim na panukalang batas. Nakikita bi Palmones na medaling maipapasa bilang batas ang nasabing panukala dahil suportado ito ng maraming kongresista at maging ng Chairman ng House Committee on Fisheries and Aquatic Resources na si Cebu Rep. Benhur Salimbangon. Malaking oportunidad para sa mga mangingisda at mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang trabaho at kita ang nakikita ni Palmones sa pagbuo ng DFAR. |
Sa ilalim ng gagawing batas, mapapasailalim pa rin ng mga LGUs ang kanilang mga nasasakupang katubigan. Ang DFAR rin ang magtatakda kung saan maaaring dumaan ang mga barko, kung saan maaaring magkaroon ng mga marine energy exploration. Ang departamento rin ang hahawak sa regulasyon ng produksyon at paghuli ng mga isda, maging ang pagproseso at pagbebenta ng mga lamang dagat sa bansa. Magbubuo ng anim na ahensya sa ilalim ng DFAR. Ito ay Bureau of Fishery Economics and Statistics (BFES), Bureau of Aquaculture and Inland Fisheries (BAIF), Bureau of Fishing Technology and Capture Fisheries (BFTCF), Bureau of Fisheries Extension, Training, and Support Services, Marine Resources Conservation, Management and Enforcement, at Bureau of Postharvest and Fisheries Product Standards (BPFPS).
Magbubuo rin ng 16 na regional offices at anim na National Technology Center ang departamento na tutulong sa pagsuporta at pagserbisyo sa mamamayan. Ang Philippine Fisheries Development Authority, Fisheries Modernization Credit and Financing Agency at Philippine Technical Advisory Committee of the SAFDEC Aquaculture Department ay mapapasailalim na rin ng binubuong ahensya.
Magiging advisory bodies naman ng magiging DFAR Secretary ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council at National Anti-Poverty Council. Magiging research arm naman nila ang National Fisheries Research and Development Institute. Mahigit sampung bilyon ang hinihinging badyet ng ahensya kaya nakikita ng mga kongresista na tanging ang Department of Budget and management ang magiging sagka sa pagbuo ng ahensya.
Tinatayang P500 milyon naman ang hinihingi upang maipatayo ang pambansang opisina ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.---Matt Palentinos
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph