CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Sa isang symposium na isinagawa ng International Rice Research Institute (IRRI), sinabi ni Jollibee Foods Corporation (JFC) President Tony Tan Caktiong na bukas sila sa mga farmers’ cooperative na mag-supply ng kanilang pangangailangan sa kanilang mga fastfood chain.
“When it comes to agricultural products, about 80 per cent of our raw materials are sourced locally. For rice, it’s 100 per cent," sabi ni Caktiong.
Sa pamamagitan ng Farmer Entrepreneurship Program ng JFC bibigyan nila ng pagkakataon ang mga rural producers na magsupply ng kanialng mga pangangailangang pang-agrikultura.
Sinabi pa ni Caktiong na kapag handa na ang isang kooperatiba ay handa na agad silang makipagnegosasyon sa kanila upang mgaing regular na supplier.
Ibinahagi rin ni Caktiong na kailangan magtulung-tulong upang maging producer, provider at consumer ang lahat samantalang sila naman ang gagawa ng paraan upang palakasin ang lokal na mga agri products.
Nitong nakalipas na taon, kumuha ang apat sa siyam na fast food chain ng Jollibee ng 20,000 tonelada ng bigas mula sa Nueva Ecija, Isabela at Pangasinan o katumbas ng 2,800 hektarya ng sakahan.
Pagmamay-ari rin ng JFC ang Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Caffe Ti-Amo, Mang Inasal, Yonghe King, Hong Zhuang Yan at San Ping Wang na kumikita ng P79.2-B kada taon.---Matt Palentinos

Photo: www.knowledgebank.irri.org
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 20 July 2011 05:26