| Ipinasa na ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna ang ordinansa sa paglalagay ng mga Closed Circuit Television (CCTV) sa lahat ng bangko at malalaking establisyemento. Ang Ordinance No. 5, S. 2011 ay akda ni Third District Board Member Reynaldo DT. Paras ay pinamagatang “An Ordinance Requiring All Banking and Other Financial Institutions and Large Scale Business Establishments Operating Within the Province of Laguna to Install Closed Circuit Television (CCTV).” Ito ay upang maibaba ang krimen at palakasin ang kapayaapaan at kaayusan sa loob ng probinsya. Mapapadaling matukoy ang mga criminal sa pamamagitan ng CCTV dahil sa zoom-in feature nito. |
Kasama ang lahat ng bangko at mga financial institution, gasolinahan na may anim na pump o higit pa, mall, sanglaan at mga establisyemento na mayroong hindi bababa sa P3 milyong na investment.
Ang mga hindi maglalagay ng CCTV ay may multang P2000 sa unang paglabag. Sa susunod na mga paglabag ay mayroong multa na aabot sa P5000, suspensyon ng business permit o pagpapasara sa establisyemento.
Noong mga nakaraang linggo ay ilang holdapan ang nangyari sa iba’t ibang bayan ng Laguna. Ilan dito ay ang isang dentista at isang branch ng Western Union sa Biñan.---Matt Palentinos
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 19 July 2011 06:41