Sa pamamagitan ng isang resolusyon, nagtaas ang mga bus na bahagi ng South Luzon Bus Operators Association ng pamasahe.
Itinaas ng mga may-ari ng HM Liner, Calamba Megatrans, Saint Rose Transit, Greenstar Tranport at iba pang Bus Companies na bumibiyahe mula Laguna hanggang Maynila ang kanilang pasahe matapos ang malaking pagtaas ng presyo ng gasolina.
Mula sa dating P40 mula Calamba hanggang Alabang, magbabayad na ang mga regular na commuters ngayon ng P43. Ang mga estudyante, senior citizen at persons with disability naman ay magbabayad na ng P35 mula sa dating P32.
Nagtaas rin ng pamasahe ang mga biyahe papuntang Lawton at Buendia sa Maynila.
Nagrereklamo naman ang ilang pasahero dahil sa biglaang pagtataas na ito. Wala man lang daw konsultasyon mula sa kanila ang nasabing pagtataas.
Depensa naman ng mga konduktor at tsuper na ito ay dati na rin ilang pamasahe at ibinalik lang nila dahil sa laki ng itinaas ng gastusin nila sa gasoline at toll ways.
Si 1-UTAK Partylist Homer Mercado ang dating pangulo ng mga Bus Operators sa South Luzon.---Matt Palentinos

photo: flickr.com
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 19 July 2011 06:36