| Sa ika-19 ng Hulyo ay sisimulan na ang pamamahagi sa mga magta-traysikel ng Lungsod ng Calamba ang Financial Subsidy o "Pantawid-Pasada". Ito ay bilang tulong dahil sa patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo. Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 32 ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas para sa pagpapatupad ng PTAP o Public Transport Assistance Program. Sa pamamagitan ng mosyong inihain sa Sanggunian Panlungsod ni Konsehal Christian Niño Lajara bilang Tagapangulo ng Komite ng Transportasyon ay mayroong higit sa 7,000 na mga magtata-traysikel mula sa 54 barangay ng Calamba ang inaasahang makikinabang sa naturang proyektong. Sisimulan ang pagkakaloob ng subsidiya sa Barangay 1,2,3,4,5,6,7 na gaganapin sa ika-19 ng Hulyo sa Lobby ng Calamba City Hall. Ang mga magtatraysikel na nakatira sa ibang mga Barangay ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Chairman. Ipinaaalala rin na hanggang katapusan lamang ng buwang ito ang pamamahagi ng subsidy. |
Kinakailangang maisumite ang mga sumusunod na dokumento upang maging qualified:
RELATED ARTICLE: Public Transport Subsidy sa Lungsod ng Calamba, Nakatakdang Ipasa!

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph