
Barangay Looc, Calamba City/July 15, 2011--Pinangunahan ng Pangulo Benigno Aquino ang pagkakaloob ng housing units para sa mga AFP at PNP personnel. Sa Lake Breeze Residences sa Calamba ay matagumpay na naipamahagi ang nasa 30 units para sa mga qualified beneficiaries ng housing project na ito. Magugunitang noong buwan ng Abril ng nakaraang taon ay inilabas ni PNoy ang Administrative Order No.9 na isang direktiba para sa National Housing Authority na gumawa ng isang housing program para sa mga sundalo at pulis sa buong bansa.
Nasa 4.2 bilyong piso ang inilaang pondo para sa implementasyon ng naturang proyekto para sa pagtatayo ng 20,000 units ngayong taon 2011. Mayroon 12 lokasyon ang AFP-PNP housing project sa buong Pilipinas kabilang ang Calamba.


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph