Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MGA NASUNUGAN SA STA ROSA LAGUNA SINISISI ANG MGA BUMBERO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Watch Related Video on

youtube

 

Nagdulot ng malaking takot sa mga residente sa Barangay Balibago, Sta. Rosa ang naganap na sunog kahapon (Lingo) alas 10:45 ng umaga matapos na mabilis na gumapang ang apoy sa lugar, kaniya kaniyang hakot ng gamit ang mga residente habang pinagtutulungan umano ng mga kabataang sabuyan ng tubig ang mga bahay na nilalamon ng apoy samantalang hindi pa dumarating ang mga bumbero.

Makalipas ang kalahating oras dumating na ang mga Fire Trucks ng BFP Sta. Rosa pero ang mga residente sa halip na matuwa ay sinisisi pa nila ang mabagal na pagresponde diumano ng mga bumbero.

Pero katwiran ni SF01 Mira Gutierez hindi nila agad na natanggap ang impormasyon na mayroon palang nagaganap na sunog sa lugar, dagdag pa nito natural na sa mga nasusunugan ang naghahanap ng masisisi.

Sa imbestigasyon, nagmula ang sunog sa bahay ni Linda Cantos dahil sa naiwang bukas na electric fan at 4 na bahay na kalapit ng mga ito ang nadamay, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal ng kalahating oras bago ideklarang fire control na.

Payo ng BFP na kahit tapos na ang fire prevention month ugaliing walang nakasaksak na mga electrical apliances lalo nat kung wala namang taong maiiwan sa bahay –SG Colby

starosa1starosa2


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Monday, 18 July 2011 05:33

Add comment


Security code
Refresh